^

Pang Movies

Mathon, wish si Coco!

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinakilala na ang tinaguriang The Breakthrough Love Team of the Year, na sina Maris Racal at Anthony Jennings, bilang pinakabagong endorsers ng Mang Inasal Pork BBQ na ginanap sa Novotel Manila Araneta City noong June 29.

Nakilala at pumatok ang love team nila bilang sina Snoop at Irene sa seryeng Can’t Buy Me Love na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Gaya nila na breakthrough love team ay ganon din ang Mang Inasal Pork BBQ na naging breakthrough product kaya perfect talaga ang dalawa bilang bagong endorsers nito ayon sa Mang Inasal president na si Mike V. Castro.

Bata pa lang daw ay tinitingala na ni Maris ang Mang Inasal at lagi silang kumakain doon ng kanyang pamilya kaya ganun na lamang daw ang saya niya na maging parte ng pamilya nito. at hindi pa rin daw siya makapaniwala nang makita niya ang sarili sa poster nito.

Ganon din daw si Anthony na nakasanayan na noon pa mang kumain kasama ang pamilya niya o ‘di kaya’y dumiretso sa Mang Inasal pagkatapos mag-workout o mag-basketball kasama ang barkada niya

Nang tanungin ang MaThon kung sino sa mga endorser nito ang pangarap nilang makatrabaho at mabilis ang naging sagot nilang dalawa na si Coco Martin.

Pwede raw sila sa seryeng pinagbibidahan nito na FPJ’s Batang Quiapo.

Dagdag din ni Anthony ay gusto niya ring makatrabaho si Dimples Romana na nakatrabaho na rin niya.

Bukod nga kina Coco at Dimples, bahagi rin ng Mang Inasal family sina Melai Cantiveros at Jane de Leon.

Samantala, sa halagang P99 ay maaari nang makabili ng two-piece Pork BBQ rice meal with Spiced Vinegar. Swak ding kapares nito ang Mang Inasal Palabok for merienda at meron ding Buddy Size at Family size variants para sa group meals. Maaari rin itong ma-enjoy nang Solo, Buddy at Family Fiesta platters.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with