^

Pang Movies

Bossing Vic at Piolo, magtatambal sa MMFF

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bossing Vic at Piolo, magtatambal sa MMFF
Vic Sotto at Piolo Pascual

Tuloy ang pagsasama nina Vic Sotto at Piolo Pascual sa pelikulang Balwarte na intented sa 2024 Metro Manila Film Festival.

Hindi raw ito isang comedy kundi isang heart warming drama. Co-prod ito ng APT, Cornerstone and M-ZET. Si Mike Tuviera ang nakatakdang magdirek ng Balwarte.

Samantala, MMFF din diumano ang target nina Maricel Soriano and Judy Ann Santos. Yes, may niluluto nga diumanong proyekto para sa dalawang mahusay na aktres.

Wow. Talagang palakasan ang magiging labanan sa darating na MMFF.

Parang naghihintay na lang ang mga producer ng MMFF para makasigurong kikita ang mga pelikula nila.

Semplang sa takilya ang mga pelikulang pinalalabas sa ordinaryong panahon.

Ang huling dalawang pelikula ayon sa narinig kong kuwenton, ang isa ay P400,000 lang sa first day samantalang ginawa na ng bidang actor ang lahat-lahat ng kumbaga ay maaring pag-usapan habang pino-promote ang pelikula niya na may   leading ladies.

‘Yung isang Tagalog film ay kumita raw ng P200,000 na ang bida ay sikat at milyon-milyon din ang followers sa social media.

Parehong milyones actually ang followers ng dalawang aktor sa social media na starring sa pelikulang pinalabas sa mga sinehan last week plus ‘yung mga kasama pa nila.

Pero ang katwiran ng iba, paano mo naman papanoorin ang pelikula na hindi kagandahan ang kuwento.

Ayun nga, dapat talaga, gandahan din naman ng producer natin. Paano mo nga naman gagastusan kung parang hindi naman pinaghandaan ang kuwento kahit pa ang bida ay laging trending sa social media.

Janine at Ogie, pasok sa EDDYS!; ALLTV nag-trending sa Showtime

Mapapanood na ulit sa Channel 2 - ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System, ang It’s Showtime, kahit palabas din ito sa GMA 7.

Kahapon nga ay walang anunsyong inilabas tungkol dito. Kaya naman trending ang ALLTV.

Meaning nasa GMA, GTV, A2Z, Kapamilya Channel & now AllTV.

Bongga, paano na kaya ang rating nito? May social media platforms pa sila.

Wagi rin kung tutuusin ang ABS-CBN matapos silang mawalan ng franchise.

Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na rin sa ALLTV ang The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na gaganapin sa darating na July 7, sa Marriott Grand Ballroom Ceremonial Hall ng Newport World Resorts. At magkakaroon ito ng delayed telecast sa ALLTV sa darating na July 14, 10 p.m.

Ayon kay Maribeth Tolentino, AMBS president, isang maganda at makabuluhang partnership ito kasama ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), sa paghahatid nila ng iba’t ibang klase ng entertainment and public affairs shows sa mga Filipino viewers.

“ALLTV is optimistic about this tie-up. We are happy for the trust given to us by SPEEd, which compromises many of the best editors and writers from the entertainment industry.

“We look forward to a fruitful endeavor with only the best as we join in recognizing talented actors, producers and those in the industry,” pahayag ni Ms.  Tolentino.

Samantala, isinabay ang annoucement ng participation nina Ogie Alcasid at Janine Gutierrez sa EDDYS 2024 noong nagkaroon ng nominees annoucement ang SPEEd, ang organisasyon sa likod ng Entertainment Editors’ Choice.

Si Janine ang isa sa magho-host habang kakanta si Ogie.

Aktor, consistent ang bigat ng katawan

Nuknukan pala ng tamad ang isang actor kaya’t lagi siyang late sa taping ng mga ginawa niyang teleserye.

Ang bigat daw ng katawan nitong gumalaw samantalang ang bata pa naman at walang nararamdaman.

Minsan daw sa taping mga apat hanggang limang oras itong late.

Pero hindi naman daw mapagalitan ng production dahil bida siya ng serye at sikat.

Dasal ng mga nagmamalasakit sa actor, magbago na siya.

Walang mangyayari sa buhay niya kung itutuloy ang pagiging tamad.

BGYO, ‘gigil’ sa bagong single

Kilig na nakakapanggigil ang ibinida ng male pop group na BGYO sa kanilang bagong single na Gigil.

Inilunsad din ng grupo ang performance video kung saan ibinida ng members na sina Gelo, JL, Akira, Mikki, at Nate ang kanilang bagong imahe tampok ang mensahe ng kakaibang kilig at saya na hatid ng pagsisimula ng pag-ibig.

Sa pagkakataong ito, naging mas hands on ang grupo pagdating sa kanilang musika.

“Before we recorded the song we would meet on what we could do to make it more kami,” saad ni Mikki sa panayam sa ABS-CBN News.

“It can be sexy or cute. If mapapanood niyo yung performance video, we wanted to be colorful. ‘Yung manggigigil ka sa sobrang ka-cutan,” dagdag ni JL.

Iprinodyus ni BoJam ng FlipMusic ang awitin habang isinulat ito nina Julius James “Jumbo” De Belen and John Michael Conchada.

Sa loob ng isang linggo, umani na ito ng 116,000 streams sa Spotify habang ang performance video nito ay may mahigit 100,000 views naman sa YouTube. Umarangkada rin ang kanta sa unang pwesto sa iTunes Philippines, Saudi Arabia, at UAE. Tampok din ito sa Spotify Philippines New Music Friday playlist.

Kamakailan ay inilunsad ng BGYO ang single na Patintero na meron na ngayong 1.8 milyong streams sa Spotify. Inawit din nila ang Uuwian  na bahagi ng soundtrack ng What’s Wrong With Secretary Kim habang si JL ay naglabas ng solo version nito.

Samantala, nagsama rin sina Gelo, Mikki, at Maymay Entrata para sa Kalma Kahit Magulo na mula sa High Street soundtrack.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with