^

Pang Movies

Vina, hiwalay na sa karelasyong foreigner?!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vina, hiwalay na sa karelasyong foreigner?!

Nagselebreyt ng kanyang ika-15th birthday ang daughter ni Vina Morales na si Ceana na may summer-themed party.

Binahagi ng Nice Print Photo ang mga litrato sa mga kaganapan sa party nito.

Binigyan naman ni Vina ng mensahe ang anak kasama ang mga litrato nilang mag-ina at fur babies nila.

“Happiest bday anak @ceanaml… Know that mommy will always be there for you and I love you very much...” bahagi ng kanyang mensahe sa unica hija nito sa ex-partner na si Cedric Lee.

Dalagang-dalaga na ang pretty daughter niya na malaki raw ang hawig sa tita nitong si Shaina Magdayao. Pwede nga raw itong gumanap na young Shaina.

Samantala, may netizen na nagkomento na mukhang buntis daw ang aktres sa kanyang post kaya naman naalala ang kanyang boyfriend.

Kaya lang tila burado na ang mga litrato nila ng kanyang huling karelasyon niya na foreigner na si Andrew Kovalcin.

Maaalalang nilantad niya ang mga litrato nila nakaraang taon kung saan ikinuwento niya rin kung paano sila nagkakilala 21 years ago at nagkita ulit sa Miami.

Parang teleserye pa nga raw ang story nila.

Mapapansing tahimik na siya sa kanyang love life at wala na rin siyang post tungkol dito.

At hindi na makita sa kanyang social media ang mga litrato nilang magkasama. Hiwalay na nga ba sila ng non-showbiz boyfriend?

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with