^

Pang Movies

Daniel, mina-match kay Atasha?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel, mina-match kay Atasha?!
Atasha Muhlach

Natatawa naman kami sa mga natitirang solid fans ni Daniel Padilla, dahil alam nilang talagang butata na siya kay Kathryn Bernardo, para huwag naman siyang magmukhang kawawa, hinahanapan nila siya ng ibang partner.

Ngayon mukhang ini-lilink nila si Daniel kay Atasha Muhlach, kasi nakikita siguro nila na malakas ang batak ni Tash at dumarami na ang fans, bukod sa maganda talaga.

Kung si Tash nga naman ang maipa-partner nila kay Da­niel, baka may laban na naman sila. Pero papaano nila makukuha si Tash na nasa kalaban nilang network? Kakagat din ba si Tash kay Daniel eh alam na niya ang dahilan ng split-up nila ni Kathryn?

Pero ang ambisyon niyang balikan pa si Kathryn o makakuha ng iba, baka malabo pa iyon sa ngayon nabasa kumbaga ang papel ng actor.

Fans ni Kim, boto sa abogado

Iyon namang Cebu lawyer na naging guest sa isang contest ng It’s Showtime ang inili-link nila ngayon kay Kim Chiu, si Oliver Moeller. Naging malakas kasi ang dating ni Attorney sa fans, at ngayong mukhang kaput naman ang una nilang inila-love team kay Kim na si Paulo Avelino, inili-link na naman siya sa iba.

Iyon ang sitwasyon ngayon ni Kim Chiu kaya inili-link naman nila kay Attorney kahit na hindi pa iyon artista, after all pogi nga iyon at gusto ng fans dahil kahawig daw ni Piolo Pascual.

Kagatin naman kaya ng fans talaga ang team-up ni Kim kay Attorney?

Angel, ayaw patahimikin!

Hindi namin alam kung saan nga nagmula ang mga tsismis na si Angel Locsin at ang asawa niyang si Neil Arce ay hiwalay na.

Anu man ang sabihin nila tumaba man nang husto si Angel, at least Angel Locsin pa rin iyan at basta nakabawi iyan big star pa rin iyan.

Iyon nga lang parang nawalan ng gana si Angel. Isipin nga naman ninyo sa kabila ng mga tulong na ginawa niya noong panahon ng Yolanda, at kahit na noong nagsisimula ang pandemic, na bukod sa pag kain ng

frontliners, siya pa ang nagha­-nap ng mga airconditioned tents para matulugan ang mga frontliner at maging ng ibang pasyanteng wala nang mapuwestuhan sa mga ospital nating hindi handa sa ganoong pandemic.

Noong tumulong siya sa mga nagugutom nang magbukas siya ng isang community pantry may nahilo dahil sa init at namatay. Sa halip na tulungan siya ay siya pa ang pinapanagot ng gobyerno.

Tapos na-red tag pa siya.

Ngayon ang tsismis naman hiwalay na raw sa asawa. Kailan ba ninyo patatahimikin ang buhay ni Angel?

vuukle comment

ATASHA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with