^

Pang Movies

Elle at Derrick, nakalimutan ang Anniv!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos makaranas ng dalawang toxic relationships, nahanap na rin ni Elle Villanueva ang maayos na relasyon kay Derrick Monasterio.

Inamin ni Elle na natakot na siyang magkaroon ng lovelife dahil sa bad experiences niya. Pero hulog daw ng langit sa kanya ang Kapuso hunk.

Wala nga raw silang specific date na naging opisyal ang relasyon nila. Nangyari na lang daw ang lahat. “Naging close kami ni Dee while doing Return To Paradise. Months after the show, tinanong ako ni Dee na ‘Ano na ba tayo? Pwede naman kita mag-girlfriend?’ Nung una ayoko. Kasi parang, ‘Ready ka na ba ako?’ Tapos parang finally, ready na ako na pakilala siya sa mommy ko, doon ko siya sinagot. Nakalimutan namin ‘yung date kaya wala kaming month. But what’s important is that we get along and we try to make the relationship stronger than ever. Everyday, parang more love for each other.”

Bukod sa pagkakasama ni Elle sa Sparkle 10, thankful ito sa mga nag-aabang sa revenge drama na Makiling na extended dahil sa mataas na ratings nito.

Megan, itatambal sa Indian filmmaker

Nagbabalik si Megan Young bilang host ng 71st Miss World competition na gaganapin sa Jio World Convention Center sa India ngayong Sabado, March 9. Makakasama niya bilang co-host ay ang renowned Indian filmmaker na si Karan Johar.

Kinilala ng Miss World Organization ang husay ni Megan na kinoronahan bilang Miss World 2013 sa larangan ng pag-arte, modeling at hosting. Isa nga siya sa pinaka-successful winners sa history ng Miss World.

Pambato ng Pilipinas sa Miss World ngayong taon ay si Gwendolyne Fourniol, na nakasama sa Top 23 sa Miss World Talent Competition. Nakapasok din siya sa Top 25 ng Head to Head Challenge at nag-qualified sa Sports Challenge Final.

Tubong-Negros Occidental si Gwendolyne na ibinida ang Ilonggo textiles sa kanyang national costume.

Gal Gadot, nahirapan sa baby #4

Ginulat ni Gal Gadot ang marami nang mabalitang sinilang na niya ang kanyang ikaapat na anak.

Pinost ng 38-year-old Wonder Woman star noong nakaraang March 5 via Instagram ang pag-welcome niya at ng kanyang mister na si Jaron Varsano sa kanilang fourth girl named Ori.

“My sweet girl, welcome. The pregnancy was not easy and we made it through. You have brought so much light into our lives, living up to your name, Ori, which means ‘my light’ in Hebrew. Our hearts are full of gratitude. Welcome to the house of girls... daddy is pretty cool too,” caption ng aktres.

Gal and Jaron are also parents to daughters Alma, 12, Maya, 6, and Daniella, 2.

Huling napanood si Gal sa DC Films na The Flash at Shazam! Fury of the Gods.

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with