^

Pang Movies

Dolly de Leon, inaabangan kung matutuloy ang career sa Hollywood

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Dolly de Leon, inaabangan kung matutuloy ang career sa Hollywood
Dolly de Leon

MANILA, Philippines — Napuno ng maiinit na balita ang mundo ng entertainment bago magtapos ang taong 2023.

May mga positibong balita at mayroon ding mga kontrobersiya na umiikot sa hiwalayan, cheating, artistic expression at celebrity deaths.

Balikan ang mga personalidad na gumawa ng ingay sa showbiz noong 2023 na pinag-usapan ng marami.

Nagdala ng pride sa Pilipinas ang batikang aktres na si Dolly de Leon nang mapabilang sa Palme d’Or-winning satirical black comedy film na Triangle of Sadness na nag-premiere sa 2022 Cannes Film Festival. Dahil sa kanyang pagganap bilang cleaning lady sa isang luxury cruise na si Abigail sa pelikula, nanalong Best Supporting Actress si Dolly sa 2022 the LA Film Critics Association at sa 2023 Guldbagge Awards na nakabase sa Sweden. Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nanominado sa parehong kategorya sa Golden Globe Awards. Taong 2023, patuloy ang pamamayagpag niya nang manomina bilang best supporting actress sa iba’t ibang international award-giving bodies gaya ng BAFTA Awards at Satellite Awards.

Kinondena ng ilang religious groups at Catholic devotees ang drag artist at Drag Den contestant na si Pura Luka Vega (Amadeus Fernando Pagente) matapos ang kanyang kontrobersyal na Ama Namin performance kung saan nakabihis siya ala-Hesukristo. Inakusahang blasphemous ng ilang official ng simbahan at iba pang deboto ang performance niya na nauwi sa kanyang pagkaaresto.

Samantala, ibinasura naman ng korte ang isang kasong isinampa sa kanya sa Tacloban City.

Biglang nakilala ang pamangkin ni Gary Estrada dahil sa sunud-sunod na kontrobersiya nito patungkol sa kanyang personal na buhay nang biglang kumalat sa social media ang mga screenshot ng magkahiwalay na palitan ng private messages with Herlene Budol at Bianca Manalo na tila tungkol sa sikretong affair.

Nag-react naman sina Herlene at Bianca sa isyu at nagpahiwatig na wala itong katotohanan.

Naging phenomenal ang love team nina Barbie Forteza at David Licauco na nakilala bilang Klay at Fidel sa hit historical portal series na Maria Clara at Ibarra.

Naging hottest loveteam sila ng GMA at pinangalanan sila na BarDa ng kanilang fans.

Nagulat ang marami sa biglaang pagkamatay ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez noong Dec. 17, 2023 sa edad na 76. Ayon sa imbestigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuang may tama ng bala ng baril at walang malay ang aktor sa loob ng kanyang kwarto sa kanyang bahay sa Quezon City.

Kumalat naman sa social media ang video ng retrieval ng katawan ng aktor. Pinaiimbestigahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nasabing video leak. Tahimik pa rin ang naiwang pamilya ng aktor ukol sa kanyang pagpanaw.

Nais malaman ng maraming marites ang tungkol sa tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Pero tanging ang ina ni Richard na si Annabelle Rama at ang ina ni Sarah ang nagsasalita. Tikom pa rin ang bibig ng mag-asawa tungkol sa kanilang umano’y hiwalayan.

Halos sabay-sabay na nabuwag ang tinawag na Loveteam Trinity ng Kapamilya network. Unang naghiwalay sina Nadine Lustre at James Reid. Sumunod sina Liza Soberano at Enrique Gil. At ang ultimate ay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. May kanya-kanya silang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila at naka-move on ang ilan sa kanila.

vuukle comment

DOLLY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with