^

Pang Movies

Thea, dating walang alam sa acting

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pang-masa
Thea, dating walang alam sa acting
Thea
STAR/ File

Itinuturing palang lucky charm si Thea Tolentino dahil mataas ang ratings ng mga ginagawa niyang teleserye.

Pero takot siya na angkinin ito dahil pakiramdam daw niya ay yayabang siya.

Mas nakilala ang Kapuso actress sa pagiging kontrabida pero kahit na kaya naman nitong tawirin ang pagiging bida ay hirap daw talaga siyang maging mabait dahil pakiramdam niya ay nalilimitahan siya sa pagiging mabait at kailangan pa niya itong matutuhan.

“Feeling ko po hindi talaga ako mabait,” natatawa niyang paliwanag. “Kasi parang ‘yon ‘yung kailangan kong matutunan kasi pakiramdam ko nalilimitahan ako kapag mabait ako,” pahayag ni Thea sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nakwento rin niya na biglaan lang pala ang pagsali niya sa audition noon sa Protégé.

“Panglima ako sa pila. And then pagdating ko roon sa stage, kakanta dapat ako with my guitar, hindi ko natipa ‘yung gitara sa kaba.”

Dagdag niya na natatawang inaalala, “Pinaakyat nila ako ng stage dalawang beses, iba-ibang talent. Nagawa ko na ‘yung scene so nu’ng pangalawa, ‘yung nanay ko gumawa ng script, tapos ‘yung ginawa niyang script dialogue, hindi man lang monologue.”

Wala raw talaga siyang background sa acting noon pero ginawa na lang niya at sa huli ay nagwaging winner ng talent search.

vuukle comment

THEA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with