^

Pang Movies

Ysabel, naka-1 milyong followers na sa TikTok!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ysabel, naka-1 milyong followers na sa TikTok!
Ysabel Ortega

May bagong achievement pala si Ysabel Ortega. Meron na pala siyang one million followers sa TikTok!

Bilang pagbati ay ni-repost ng Sparkle GMA Artist Center ang kanyang cute na TikTok video na ginagawa ang Oh Mickey transition challenge.

Lutang ang kanyang ganda na kahit napakalapit ng camera sa kanyang mukha ay maganda pa rin. Nasabi ko na ito noon pero habang tumatagal ay lalo siyang mas nagiging confident sa pagsasalita at kilos niya. Isa talaga si Ysabel sa may pinakamagagandang mukha sa showbiz at lalo pa siyang gu­maganda habang tumatagal.

Isa pa sa kapuri-puri sa kanya ay ang kasipagan at pagiging desidido niyang tapusin ang pag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng Law. Inaabangan din ng marami kung papasukin niya ang pulitika na hindi imposible dahil may dugong pulitiko siya.

Sa isa pang post ay ibinahagi niya na kasama ang Voltes V: Legacy kung saan gumaganap siyang Jamie Robinson sa lalahok sa biggest comics convention sa California.

Siguradong mas dadami pa ang mga tagahanga at followers ni Ysabel. Bongga.

vuukle comment

YSABEL ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with