^

Pang Movies

Stell, inaabangan sa Voice Generations

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Stell, inaabangan sa Voice Generations
Stell
STAR/ File

Kahit si Stell ng SB19 ay gulat sa massive success ng kanta nilang Gento na kahit ibang Korean artist ay kinakanta ito.

“Nagulat po talaga kami sa na-reach ni Gento kasi nung nilabas namin ‘yun hindi kami nage-expect ng anything eh kasi mas excited kami nung pagrelease ng EP namin which is ‘yung Pagtatag. But with Gento itself pa lang ang layo na ng narating niya super happy and super proud. Syempre thankful kami sa leader namin na si Pablo kasi siya talaga ang utak ng lahat nun with syempre mga producer na nakawork namin,” sabi ni Stell sa isang interview.

Though magiging busy ngayon si Stell sa malapit nang mapanood na The Voice Generations.

Isa siya sa mga coach sa The Voice Generations with Billy Crawford, Julie Anne San Jose and Chito Miranda hosted by Dingdong Dantes.

Pero updated naman aniya ang lahat ng miyembro sa mga ginagawa niya at naayos ang schedule nila.

“Laging ina-update sila kung ano na po nangyayari sa shoot, kung anong ginagawa ko and kahit sila inaasar nila ako sa gc (group chat) na parang ‘good luck today, coach Stell,’ nang gaganon sila. So happy po nakakatuwa,” sabi pa ni Stell na kinabibiliban ni Chito Miranda ang talent at pagiging humble.

Anyway, aliw rin ang sagot ni Stell na may artist van na sila ngayon at hindi na sila nagko-commute tulad nung nagsisimula pa lang sila.

“Siguro kung dati may mga Grab stories po kami, ngayon wala na kasi hindi na po kami nakakapag-Grab. Hindi po, kasi syempre kahit papano po meron na po kaming artist van and hindi na po namin nae-experience ‘yung makapag commute which is sometimes naman nata-try namin with jeepney and with mga tricycle mga ganon motor pero bihira na po eh.

“Pero ‘pag nakikilala po kami sa kalsada natutuwa kami kasi different na po ’yung nangyayari. Kung before parang may mga naririnig kaming negative comments about us pero ngayon talagang puro praises kaya happy po kami,” game na sabi ni Stell.

“And thankful po finally open na po ‘yung Pilipinas and talagang na-appreciate na po ‘yung hindi lang talent naming SB19 kundi ‘yung buong PPOP community naa-appreciate na po sya ngayon.”

Lahat nang gawin nila ngayon ay nagti-trending lalo na si Stell na tiyak na sisikat pa ‘pag nag-umpisa na ang The Voice Generations sa GMA 7.

vuukle comment

STELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with