^

Pang Movies

Ricky, hindi pinangangalandakan ang GF!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ricky, hindi pinangangalandakan ang GF!
Ricky at GF

Twelve years na ring hiwalay ang dating mag-asawang Ricky Davao at Jackie Lou Blanco. The uncouple got married in 1989 at nagkahiwalay sila after almost 22 years of being husband and wife nung 2011 na nabiyayaan ng tatlong grown-up children – sina Kenneth, Rikki Mae at Arabella.

May isa na rin silang apo sa kanilang panganay na si Kenneth. Sa tatlong anak, ‘yung bunso na si Arabella lamang ang pumasok sa showbiz at supportive sa kanya ang kanyang estranged parents.

Ang dating mag-asawa got reunited bilang couple sa Kapuso drama anthology na I Can See You: AlterNate nung 2021 kaya wala nang ilangan factor sa kanilang pagitan sakaling ma-cast muli ang dalawa either sa telebisyon o pelikula.

Although matagal nang hiwalay ay napanatili nilang magkaibigan dahil na rin sa kanilang tatlong anak.

Nananatili pa ring unattached hanggang ngayon si Jackie Lou, ang actor-director na si Ricky ay meron nang bagong lovelife at mahigit one year na ang kanilang relasyon. Non-showbiz ang girl.

Since hindi taga-showbiz ang bagong inspirasyon ng actor, singer at director na si Ricky, binibigyan niya ng privacy ang kanilang relasyon. Maging ang malalapit na kaibigan ng actor-director ay nagulat na meron na pala siyang bagong pag-ibig. For sure, aware rito ang kanyang ex-wife na si Jackie Lou maging ang kanilang tatlong anak pero tahimik lamang si Ricky.

Si Ricky ay anak ng yumaong veteran actor na si Charlie Davao who died of colon cancer nung Aug. 8, 2010. Siya’y nakababatang kapatid ng character actor na si Bing Davao and they have younger siblings sa second wife ng kanilang ama na si Mary Grace Inigo.

Ice, loyal pa rin sa TVJ

Pagdating sa gusot sa pagitan ng TVJ nina Tito, Vic & Joey at ng bagong producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga, mananatili ang loyalty ni Ice Seguerra a TVJ at kay Mr. T or Tony Tuviera, ang dating President-CEO ng TAPE, Inc.

Sa Eat Bulaga sumikat si Ice na dating Aiza Sequerra.

Kinse anyos pa lamang noon si Ice nang ipinagtapat niya sa kanyang mga magulang na sina Mommy Caring at yumaong Daddy Dick ang tungkol sa kanyang sexual preference. 

Inamin niya na hindi naging madali ang pagtanggap ng kanyang mga magulang at umiyak umano ang mga ito dahil pangarap nila sa kanya na makapag-asawa ito at magkaroon ng sarili niyang pamilya. Pero sa kalaunan ay natanggap na rin niya na hindi na nila mababago pa ang kanilang anak.

Taong 2001 naman sa kasikatan ng kanyang kantang Pagdating ng Panahon ay inamin naman niya sa publiko na siya’y kabilang sa LGBTQ community.

Hindi ikinakaila ni Ice na natakot umano siya sa dahil baka muling mag-suffer ang kanyang career pero contrary sa kanyang kinatatakuran ay buong pusong tinanggap ng publiko at ng kanyang fans ang kanyang desisyon na mag-out.

At one point ng kanyang career ay nalugmok din umano siya at dumating pa sa point na walang-wala sila at nabaon sa utang kaya napilitan silang ibenta ang kanilang bahay para lamang masalba sa kanilang pagkakautang.

Inakala rin noon ni Ice na end na ng kanyang career dahil hindi na siya child star at nasa awkward stage ng kanyang karera. Pero binigyan siya ng pangalawang wave ng kanyang career nang hindi inaasahang i-record niya ang Edith Gallardo and Moy Ortiz (of The Company) composition, ang Pagdating ng Panahon nung 2001. Muling nabuhay ang kanyang career at in-demand siyang muli sa telebisyon at pelikula bukod pa sa shows and concerts here and abroad.

And the rest kumbaga is history.

Basta mananatiling pamilya ni Ice ang Bulaga...

vuukle comment

RICKY DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with