^

Pang Movies

Andi, hindi na hinahanap ang siyudad!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Bibihira ang isang katulad ng Siargao-based actress na si Andi Eigenmann ang tatalikuran ang kinang ng showbiz para mamuhay nang simple sa isang isla kasama ang kanyang mahal na pamilya.

It was in October 2017 when she decided to live in the island of Siargao kung saan naman niya nakilala ang kanyang fiancé at ama ng dalawa niyang anak, ang surf champion na si Philmar Alipayo.

Marami siyempre ang nanghinayang dahil wala nang magpapatuloy sa iniwang legasiya ng kanyang namayapang ina, ang award-winning actress na si Jaclyn Jose na pumanaw nung noong March 2, 2024 sa edad na 60.

Pero masaya si Andi sa kanyang naging desisyon dahil mapayapa at masaya silang naninirahan sa isla kasama si Philmar at dalawa nilang mga anak na sina Lilo at Koa. Kapag wala namang pasok sa school ay kasama rin nila ang panganay niyang anak sa actor na si Jake Ejercito na si Ellie who will be celebrating her 13th birthday on Nov. 23.

Bukod sa kanilang common passion na surfing, ang engaged couple ay may itinayong business in Siargao.

Mga puntod ng mga celeb, dinagsa!

Dagsa ang mga tao sa lahat ng mga sementeryo simula pa nung Oct. 30 hanggang sa araw na ito ng Nov. 2 hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ginugunita rin ang mga yumaong kilalang personalidad tulad ng King and Queen of Philippine movies na sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces, ang comedy king na si Dolphy, ang matinee idol Rico Yan, ang Master Showman German ‘Kuya Germs’ Moreno, Master Rapper Francis Magalona, ang dating teenstar na si Julie Vega, ang veteran actress-comedienne na si Nida Blanca, ang Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose, at marami pang iba.

ANDI EIGENMANN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with