^

Pang Movies

Rita may eme sa panglilibak nung nangolekta siya ng mga manika, kinumpara sa kabaliwan ng mga Pinoy sa labubu

Salve V. Asis - Pang-masa
Rita may eme sa panglilibak nung nangolekta siya ng mga manika, kinumpara sa kabaliwan ng mga Pinoy sa labubu

MANILA, Philippines — May hugot si Rita Avila sa massive Labubu craze sa mga celebrity.

As in level na nga ng parang status symbol ang pagkakaroon ng Labubu or pangongolekta nito na nabibili sa Pop Mart store na officially ay magbubukas sa publiko sa bansa ngayong araw.

Nauna na itong nagkaroon ng ribbon cutting kung saan si Marian Rivera ang isa sa mga nagbukas nito.

Kahapon ay bumisita na rin si Heart Eva­ngelista.

At hindi lang sila ang collector, andami na talaga. Na kinaaliwan ng iba. Tulad nina Anne Curtis, Kathryn Bernardo among others.

Pero ang versatile actress na si Rita noon pa nag-aalaga ng mga doll, hindi nga lang Labubu. At aware siya na kung anu-ano ang pang-aalipusta sa ginagawa niya. Kinokonek pa sa kanyang mental health state.

Kaya post niya “Dahil uso ang labubu dolls ngayon, normal ang mga meron nito, bata o matanda. Tanggap ng society. Binibihisan din sila.

“Pero ung mga adults na may dolls noon, hindi normal sa paningin ng iba kasi hindi uso.

“Sa Pilipinas lang talaga mahilig gumawa ng mga kwento. Pag konti lang ang gumagawa: abnormal o baliw agad.

“Well, cla Mimay, Popoy at Pony namin ay mga karakters na sa apat na librong pambata. May nadulot na saya at aral sa atin. Di sila basta basta dolls lang,” bahagi ng post ni Rita.

Hindi nga nagkaanak sina Rita at mister niyang si Direk FM Reyes kaya’t mga manika ang itinuring nilang anak. Namatay ang isang anak nila sana.

Pero kagaya ng sabi ni Rita, kung anu-anong bintang sa kanya maging sa kanyang asawa.

Hanggang nakapagsulat pa siya ng libro. “Magbasa na ng THE INVISIBLE WINGS. Dali na, bumili na sa ibat-ibang branches ng ST. PAULS BOOKSTORE nationwide.”

Andami namang nag-agree kay Rita na tinawag-tawag nga siyang weird dahil sa pag-aalaga ng mga manika pero ngayon tuwang-tuwa ang marami sa pangongolekta ng mga monster toy. 

John, mas mahal na raw si Coco kesa sa misis

Andaming bumati kay Coco Martin kahapon, Nov. 1, ng happy birthday.

Araw ng mga Santo nga nagdiriwang ng birthday ang actor na karelasyon ni Julia Montes.

Kabilang sa mga bumati sa kanya si Cherry Pie Picache : “Sa napaka gwapo at napaka buti kong anak, Maligaya at Mapagpalang Kaarawan!!!! Laging nasa likod mo. Mahal na mahal ka namin ni Nio!!! Cheers”

Ganundin si John Estrada : “Sa aking pinaka mamahal na Hari, kapatid at kaibigan, Happy happy Birthday co?

“Sabi ko nga sa yo e halos lahat e na sa sayo na, ang dasal ko nalang talaga sa Diyos e yung, ilayo ka sa kapahamakan at sa karamdaman

“I love you co, happy birthday”

Pero naisyuhan si John. Ba’t daw sa misis niya, Priscilla Meirelles, nung nag-birthday, walang appreciation post. Buti pa raw si Coco.

Samantala, matinding aksyon at nonstop na katatawanan ang hatid ng FPJ’s Batang Quiapo star na si Coco sa kanyang pagbida sa Cinema One ngayong Nobyembre.

 Saksihan ang Kapamilya actor bilang Panday sa Ang Panday (Nob. 1), gang leader na si Paco sa Super Parental Guardians (Nob. 8), bodyguard na si Pol sa 3pol Trobol: Huli Ka Balbon! (Nob. 15), undercover spy na si Emman sa Beauty and the Bestie (Nob. 22), at mabuting pulis na si Jack sa  Jack Em Popoy: The Puliscredibles (Nob. 29) sa Friday Action block na mapapanood 9p.m. tuwing una at ikatlong Biyernes at 10 p.m. tuwing ikalawa at ikaapat na Biyernes.

 Isang special tribute din ang handog ng Cinema One para sa international workers dala ang iba’t ibang pelikula na sumasalamin sa sakripisyo at dedikasyon ng OFWs. Tampok sa Pinoy Beyond Borders ng Blockbuster Sundays ang Milan nina Claudine Barretto at Piolo Pascual (Nob. 3), Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto (Nob. 10), Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards (Nob. 17), at In My Life nina Vilma Santos, Luis Manzano, at John Lloyd Cruz na ipapalabas tuwing Linggo, 7 p.m.

RITA AVILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with