^

Pang Movies

Zsa Zsa, wish na humaba ang exposure ni Karylle sa Showtime!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Zsa Zsa, wish na humaba ang exposure ni Karylle sa Showtime!
Karylle

Napanood namin ang video ng interview ni MJ Marfori kay Zsa Zsa Padilla at isa sa natanong sa kanya ang naging isyu ng anak na si Karylle at Vice Ganda. Sabi niya, walang naikuwento sa kanya si Karylle. Tinawag niyang “nice person” at “well-behaved” person.

Baby pa lang daw si Karylle, ganu’n na ito at siya ang ate ng kanyang mga pinsan at kahit mas may older sa kanya, siya pa rin ang tumayong ate.

Sa nasabing interview, nabanggit niya na “I wish she would be given more exposure, she’s an excellent host.”

Ang tinukoy niya ay sana mabigyan pa ng mas mahabang exposure si Karylle sa It’s Showtime.  Patuloy niya, “I just wish we could see more of her hosting. Napakagaling naman niya sa ginagawa niya.”

Tingnan natin ang magiging reaction ng mga kasama ni Karylle sa sinabing ito ni Zsa Zsa, as for Karylle, pinalampas niya ang isyu.

Jessy, ipinakita ang panganganak

Nasa share na ni Jessy Mendiola ang video sa panganganak niya sa baby nila ni Luis Manzano na si Baby Peanut o Baby Rosie. Kasama sa video ang pagbisita ni Vilma Santos sa kanyang apo at makikita sa video ang kasiyahan nito na makita ang apo for the first time.

Ang cute lang nang ipaalam ni Vilma sa mag-asawa kung puwede niyang makarga ang apo at ang agad na pagpayag ng mag-asawa. Sobra ang ingat ni Vilma habang karga ang apo at tinitingnan na may mga ngiti sa labi.

Pati ang nanood ng video, natuwa para kay Vilma dahil nakita nila ang kakaibang saya nito na makita at makarga for the first time ang apo. Pinost niya sa kanyang Instagram ang photo ng apo habang kanyang karga.

Ala-Heart... Alden, pulos branded na ang OOTD 

Napansin na rin ng fans ni Alden Richards na majority ng kanyang mga isinusuot mula sa mga damit, relos, shoes, bags at cap ay branded. May Instagram account ang kanyang OOTD at ang kaigihan lang, walang kinu-quote na presyo ng kanyang mga gamit. Naiiwang naghuhulaan ang kanyang fans.

Pang-araw-araw OOTD na rin niya ang mga branded stuff na sinusuot at ginagamit. Last Sunday nga, sa family day nila sa Laguna, nakunan siya ng litrato na may hawak na kinakain na hindi namin mawari kung ano.

Sa suot niya na Rolex mas natuon ang pansin ng fans na sabi, Rolex Oyster Perpetual GMT-Master II “Pepsi” 116719BLRO daw ‘yun with Oyster Perpetual Bracelet. Tanungan ang mga fans kung magkano ang Rolex na ‘yun dahil hindi nga pinepresyuhan ng admin ng OOTD account niya.

Anyway, nami-miss na siya ng kanyang fans na kagabi lang muling nakita. Nag-guest kasi siya sa #Pinkamakinang: The Brilliant Concert 2023 ng BrilliantSkin Essentials ni Miss Glenda.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with