^

Pang Movies

Isko, lumelebel sa mga young star!

SO CHISMIS ITOH - Ruel Mendoza - Pang-masa

First time na makapag-perform sa dalawang shows sa Amerika si former Manila mayor Isko Moreno kasama ang Sparkle stars via Sparkle World Tour 2024

Naranasan na ring mag-show sa ibang bansa ni Yorme noong ‘90s at sa Japan daw siya madalas mag-show noon. Ngayon ay mga kababayan sa Anaheim at San Francisco, California ang aaliwin nila nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Boobay.

Looking forward siya sa magiging rehearsals nila ng Sparkle stars. Ilan nga raw sa mga ito ay nakasama na niya sa trabaho.

“Nakakatuwa sila kasi naaalala ko ‘yung kabataan ko. Kailangan maka-keep up tayo sa energy nila. Pero ang maganda pa sa mga batang ito, kahit sikat na sikat sila, very down-to-earth sila at walang yabang. Ang babait nila at marespeto sa mga nakakatanda sa kanila,” papuri ni dating yorme.

Rita, may tinatagong lihim

Maituturing na big comeback ni Rita Daniela ang murder mystery drama series ng GMA Prime na Widows’ War. Sa trailer ay pinakita ang character niyang si Rebecca na isang schizophrenic at may lihim na tinatago tungkol sa kanyang pamilya.

Two years din siyang nagpahinga sa pag-arte nang isilang niya si Uno at tumutok muna siya sa kanyang baby boy.

“No regrets na two years akong ‘di nakapag-teleserye. Nag-enjoy ako sa pagiging ina kay Uno. Paminsan-minsan ay nakakapag-Queendom ako sa All-Out Sundays. Ngayon balik na tayo sa pag-arte.”

Bukod sa teleserye, balik din sa recording si Rita at may hinahanda na siyang album.

“Feeling ko as a singer, mas may feelings na ang pagkanta ko, mas may emotion na ngayon. Dahil na rin sa mga pinagdaanan ko. They will hear a new Rita Daniela.”

Hollywood comedian, namatay!

Pumanaw na ang veteran Hollywood comedian na si Martin Mull sa edad na 80.

Nakilala siya sa kanyang comedic roles sa shows na Mary Hartman… Mary Hartman, Roseanne, Sabrina The Teenage Witch, The Golden Girls, The Ellen Show, Two and a Half Men, Arrested Development, Veep, Dads, The Ranch, The Cool Kids, Grace and Frankie, Not Dead Yet and The Afterparty.

Ang daughter niyang si Maggie ang nagbalita ng pagpanaw niya last June 27 after a long illness.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with