^

Pang Movies

Vice, na-touch sa ginawa ni Ryan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nagkaiyakan sina Vice Ganda at Ryan Bang kahapon sa It’s Showtime matapos nga ang pagpo-propose ng South Korean TV host sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong noong Biyernes ng gabi.

Of course, tears of joy naman ang kanilang pag-iyak at masayang masaya ang buong Showtime family para kay Ryan.

“Kahapon pa lang, bago siya nagpunta do’n, super-hagulgulan na kaming dalawa,” kwento ni Vice.

Lumapit si Ryan sa kanya at nagyakap sila nang mahigpit.

Habang magkayakap nga sila, ang lakas ng hagulgol ni Vice at para talagang isang ina na masaya para sa kanyang anak.

Sabi ni Ryan, “nung nag-yes si Paola sa akin, tinawagan ko agad si Mommy (Vice), nag-FaceTime kami, iyakan kami.”

Kwento naman ni Vice, sobrang na-touch daw siya nang sa kanya unang-unang ipaalam ni Ryan ang proposal na gagawin.

“Sabi niya, ‘wala akong ibang pinagsabihan, kahit nanay at tatay ko, sa ‘yo ako nagpaalam,’” emosyonal na sabi ni Meme Vice.

“Gusto ko ikaw ang unang nakakaalam,” sabi ni Ryan.

“Ano kaya kung hindi kita pinayagan, ano nangyari kaya sa’yo kagabi?” sabi naman ni Vice at nagkatawanan.

Saad pa ng Unkabogable Star, “wala akong kakaba-kaba, alam ko namang magye-yes si Paola. Walang tatanggi kay Ryan dahil hindi ka katanggi-tanggi. Wala akong nakikitang katanggi-tanggi sa’yo. Napakaganda mong tao. Maswerte kayong dalawa ni Paola sa isa’t isa,” they said.

Nagpasalamat naman si Ryan kay Vice na pinayagan siya nitong mag-propose sa GF.

Tungkol naman sa kanyang proposal, ikinuwento ni Ryan na nagpunta raw siya sa magulang ni Paola para hingin ang kamay nito.

“Gusto ko (magpa)salamat sa magulang niya, pumunta ako sa bahay nila. Nag-yes po sila sa akin,” sey ni Ryan.

Mensahe niya sa fiancee, “Gusto ko rin (magpa)salamat kay Paola, nag-yes po siya sa akin. I will make you most happiest girl in the world.”

Nang tanungin kung sa Pilipinas ba o sa South Korea ang kasal, sabi ni Ryan, “siyempre, dito sa Pilipinas.”

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with