^

Pang Movies

JM at Donnalyn, may suot nang promise ring!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng singer-actor na si JM de Guzman (35) at ng singer-songwriter, actress at vlogger na si Donnalyn Bartolome (29) ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan na ibinahagi ng singer, actress, vlogger sa kanyang Instagram account.

On their first anniversary as sweethearts ay ipinakita rin ng dalawa ang kanilang pagpapalitan ng ‘promise rings’ na simbolo ng kanilang pagmamahalan.

Kasunod na kaya rito ang engagement ring (for Donnalyn) at wedding rings?

Marami ang nakakaalam sa mga pinagdaanan ng actor in the past at kasama na rito ang kanyang pagkalulong sa droga at ang kanyang pagsailalim ng rehabilitasyon maging ang kanyang pakikipagrelasyon noon sa aktres na si Jessy Mendiola na misis na ngayon ng host-actor at entrepreneur na si Luis Manzano.

Although sandaling na-link sa isa’t isa sina JM at Barbie Imperial nang magsama ang dalawa sa isang serye ng ABS-CBN, hindi ito nagtagal at hindi rin umamin tungkol dito.
Pagdating kay Donnalyn ay naging bukas ang actor sa kanyang panliligaw sa dalaga hanggang sa maging sila.

Since magti-30 na si Donnalyn sa darating na July 9 at magti-36 naman si JM, naniniwala kami, Salve A., na sumasagi na sa kanilang usapan ang pagkakaroon ng sarili nilang  pamilya balang araw.

Bukod sa pagiging contract talent ng Viva, si Donnalyn ay isang successful vlogger with over 9.92M subscribers sa kanyang YouTube channel.

Ryan, engaged na!

Engaged na ang magkasintahang Ryan Bang at Paola Huyong. Bago ito nangyari ay ipinakilala muna ng Korean host, actor-comedian at entrepreneur ang kanyang kasintahan at pamilya nito sa kanyang hiwalay na parents in South Korea kamakailan lamang. Ito rin bale ang second time na nakilala ng parents ni Ryan si Paola in South Korea kung saan naka-base ang separated parents nito.

Hiniling ni Ryan sa kanyang parents na gusto niyang makita na magkasama ang dalawa pagdalaw niya sa South Korea at pinagbigyan naman siya ng mga ito hindi lamang isang beses kundi twice na nagkataon kasama niya ang kanyang girlfriend. Ang next na pagsasama-sama nila ay tila ‘pamanhikan’ na dahil bitbit din ni Ryan sa Korea ang parents ng kanyang nobya.

Masayang-masaya ang itinuturing na ‘nanay-nanayan’ ni Ryan na si Vice Ganda sa kanyang ‘anak-anakan’ dahil alam niya kung gaano ito kasaya ngayon na natagpuan na nito ang babaeng matagal na rin niyang hinahanap.

Dingdong, pinasalamatan

Kasalukuyang nasa ibang bansa with her family ang Star for All Seasons, multi-award-winning actress at dating public servant na si Vilma Santos nang ulanin ito ng mga pagbati matapos ipaalam sa kanya ang kanyang nominasyon sa most prestigious title na National Artist for Film and Broadcast na pinangunahan ng chairman ng Aktor PH na si Dingdong Dantes.

Isa rin kami sa nagpaabot ng pagbati sa misis ni Finance Secretary Ralph Recto via text na agad namang nag-text back sa amin.

“I am deeply humbled and sincerely grateful to AKTOR led by Chairman Dingdong Dantes for its endorsement!!!!

“Sobrang maraming salamat to my colleagues in the industry for this honor.  Sa iba pang mga organizations na nagbigay ng tiwala….salamat po!

“MY HEART IS FULL!!!”

Wala na sigurong kukuwestyon sa nominasyon kay Vi sa pagiging National Arist for Film and Broadcast dahil sa kanyang makapal na credentials bilang award-winning actress since 1963 nang kanyang gampanan ang Trudis Liit under Sampaguita Films na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang Best Child Actress trophy mula sa FAMAS. 

Magmula sa kanyang pagiging child star, teen star at pagiging adult performer ay hindi na halos mabilang ang napakaraming parangal at pagkilala sa tinaguriang Star for All Seasons transcending to all generations in her over six decades sa industriya maging sa larangan ng public service na kanya namang pinaglingkulan sa loob ng mahigit dalawang dekada.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with