^

Pang Movies

Zsa Zsa, Direk Joel at iba pa, nabiktima ng hacker

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Zsa Zsa, Direk Joel at iba pa, nabiktima ng hacker
Direk Joel

Dami ngayong naha-hack na social media account ng mga celebrity.

Like si Zsa Zsa Padilla. “ Took many years to build and just a wrong click to lose. :(“ aniya.

Ganundin si Direk Joel Lamangan.

Though may mga tumutulong na para ibalik ang kanilang account.

At ang bongga ng hacker, ang first agenda ay manghiram ng datung sa mga friend ng hacked account.

May ilang akala talagang nangungutang sila o nanghihiram ng pera.

Nauna nang nabiktima ng hacker si Ivana Alawi pero na-recover naman ang account.

Kaya talagang ingat din dapat sa paggamit ng social media.

MMK fans malungkot, Juday gustong ipalit kay Ma’am Charo

Daming nalungkot sa pagtatapos ng Maalaala Mo Kaya. Ang ibang netizen, malungkot na ‘di na raw nila mapapanood ang kanilang buhay sa programa ni Ma’am Charo Santos,.

Sana raw ituloy na lang programa.

Kung hindi pwede si Ma’am Charo, sana raw ay si Judy Ann Santos.

Babagay raw ito kay Judy Ann.

Anyway, tiyak na malungkot din si Ms. Mel Tiangco sa announcement na ito ni Ma’m Charo.

Nang makausap namin siya sa 20th anniversary presscon for Magpailanman na kumbaga ay naka-head on ng Maalaala Mo Kaya sinabi ni Madam Mel na “I’m sad, I mean I don’t like that. Kasi ano na ‘yung Maalaala Mo Kaya… classic na, kumbaga. Talaga? Nag-stop taping na sila?

“Hindi, noong panahon ng pandemic, akala ko katulad lang namin talagang walang taping kasi pandemic. Akala ko ganon. That’s real­ly sad. I’m sad for Charo (Santos-Concio).”

Umaasa pa siya noon na hindi totoo ang nasabing kumakalat na balita, ‘di pa noon kinukumpirma ni Ma’am Charon : “Syempre I hope it’s not true, ‘di ba, because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya.”

Meanwhile, GMA Kapuso Foundation Ambassador and Special Adviser and renowned host, Ms. Mel, reveals the secret behind the success of Magpakailanman. “I think it is the sincerity of the show more than anything else. Each one of us, we have our own stories, challenges and personal triumphs. Nakaka-relate ang viewers namin sa mga totoong kwento at totoong tao na itinatampok sa MPK.”

Ms. Mel also highlights her biggest goal for the show, “Gusto ko hindi lang mae-entertain ang audience kundi magkakaroon din sila ng realization and inspiration. Gusto kong ma-uplift ang mga tao at may matutunan sila na once in awhile, pwede nilang balikan.”

Richard, wagi rin sa sporting clay

 Wala atang hindi kayang gawin si Rep. Ri­chard Gomez.

Nanalo naman siya ngayon sa Asian Senior Sporting Championship for Sporting Clay – 4th placer siya.

“Thank you Lord for the victory! I won 2nd place for the Asian Senior Champion for Compak Championship and 4th place for Asian Senior Sporting Champion for Spor­ting Clay. Mabuhay ang Pilipinas!

“I am very thankful to my friends, family, Juliana and to my wife Lucy for being very supportive to the things I enjoy doing like shotgun sports,” ayon sa post ni Rep. Goma.

Actually ‘di masyadong familiar ang lahat sa Sporting clays.

Pero dumarami na pala nito ang naglalaro sa bansa na parang mahirap gawin dahil parang combination daw ito ng golf and shotgun.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with