^

Pang Movies

Ex-young star na si Niña Jose, nanalong mayor

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ex-young star na si Niña Jose, nanalong mayor

Ang dating Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 (2006) at dating contract talent ng Star Magic ng ABS-CBN na si Niña Jose (Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao) ang bagong halal na mayor ng Bayambang, Pangasinan kung saan tatlong termino bilang alkalde nanilbihan ang kanyang businessman-politician husband na si Cezar Quiambao na isa umanong bilyonaryo.

Kahit bagito sa larangan ng pulitika si Nina, nariyan naman ang kanyang mister na siyang tutulong at aalalay sa kanya bukod pa sa may idea na rin siya sa klase ng trabaho na kanyang yayakapin dahil siya ang First Lady ng Bayambang, Pangasinan magmula nang sila’y ikasal nung 2017.

The couple got married first in civil wedding rites nung January 2017 na sinundan ng kanilang grand church wedding nung Nov. 10, 2017.

Si Niña ay isa sa maraming celebrities na pinalad na manalo sa nakaraang halalan last May 9, 2022.

Ang iba pang mga kilalang personalidad na nanalo ay si Robin Padilla na siyang nag-#1 sa 12 nahalal na senador, Ejay Falcon bilang give-governor ng Oriental Mindoro, ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na nagpalit ng puwesto.

Nagpalit din ng puwesto ang mag-sister-in-law na sina Lani Mercado at Strike Revilla. Balik kongreso si Lani habang si Strike naman ang bagong halal na mayor ng Bacoor na iiwan din ni Lani. Nanalo ring kongresista ng unang distrito ng Cavite si Jolo Revilla, anak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado habang ang nakababata nitong kapatid na si Ram Revilla ay nanalong Board Member.

Samantala, ang brother-in-law nila Sen. Bong na si Casimiro `Jun’ Alcantara Ynares ay balik sa pagiging mayor ng Antipolo at siyang papalit sa kanyang misis na si Andrea Bautista-Ynares.

Nakalusot din si Angelu de Leon bilang councilor ng Pasig City, si Nash Aguas bilang isa sa mga konsehal ng Cavite, ang actor-politician na si Yul Servo ay siyang nanalong vice mayor ng Maynila, vice mayor ng Pasig ang mister ni Mikee Cojuangco at anak ng basketball legend na si Bobby Jaworski na si Dudut Jaworski.

Tinapos naman ng actor na si Arjo Atayde ang political career ng mga Crisologo dahil siya ang pinaboran bilang bagong kinatawan ng unang distrito ng Quezon City. Balik din sa pagi­ging konsehal ng isang distrito ng Quezon City ang actress na si Aiko Melendez.

Samantala, balik sa pagiging konsehal ng unang distrito ng Parañaque sina Jomari Yllana at Vandolph Quizon sa kanilang huling termino. Nanalo ring konsehal ang isa pang kapatid ni Jomari na si Ryan Yllana sa ibang distrito ng Parañaque.

Bumaba naman sa pagiging konsehal ang dating kongresista ng ika-anim na distrito ng Quezon City, ang actor-politician na si Alfred Vargas at nagpalit din sila ng puwesto ng kanyang nakababatang kapatid na si PM Vargas na siya ngayon ang papasok na kinatawan ng kanilang distrito.

Si Mayor Joy Belmonte ang mananatiling mayor ng Quezon City gayundin ang kanyang vice mayor na si Gian Sotto, anak ni Senate President Tito Sotto na hindi naman pinalad sa pagka vice-president.

Muli ring nahalal na mayor ng Pola, Mindoro ang actress-politician na si Ina Alegre.

Kung maraming celebrities ang nanalo nitong huling halalan, marami rin sa kanila ang hindi pinalad tulad ng actor ng si Bobby Andres bilang konsehal ng isa sa mga distrito ng Quezon gayundin si Roderick Paulate, ang singer-actress at dating beauty queen na si Ali Forges bilang konsehal ng isang distrito ng QC, si Angelica Jones bilang kinatawan ng Laguna, ang mister ni Ara Mina na si Dave Almarinez bilang kinatawan ng Laguna, maging ang mag-amang E.R. Ejercito at Jorge Antonio Ejercito ay hindi rin nakalusot bilang governor at vice governor ng Laguna, maging si Claudine Barretto bilang konsehal ng Olongapo City. 

NIñA JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with