^

Pang Movies

Mel Sarmiento naging popular sa pagbura ni Kris ng kanilang mga picture at video

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mel Sarmiento naging popular sa pagbura ni Kris ng kanilang mga picture at video

Nakalagay sa Facebook ni Mel Sarmiento ang “Popular Now” dahil sa balitang dinelete ni Kris Aquino ang post tungkol kay Mel kasama ang photos at videos sa Instagram at FB account ni Kris.

Gusto nating malaman lahat kung ano ang nangyari sa kanila, kung tuloy pa ba ang kasal nila at mga plano nila na magkasama? The last time na nakita silang magkasama ay nang sumama sila kay VP Leni Robredo na mamahagi ng relief goods sa Kabankalan City, Negros Occidental. Pagkatapos noon, wala na tayong nabalitaan.

Usapan pa naman nina Kris at Mel na sasama sila sa kampanya ni VP Leni sa buong Pilipinas, pero dahil sa nangyari, mukhang hindi na ito matutuloy. Baka si Kris na lang ang mag-isang sumama kay VP Leni.

Pagpapagawa ng malaking bahay nila Iya, sakto sa kanyang pagbubuntis

Madaragdagan na naman pala ang family nina Drew Arellano at Iya Villania dahil preggy si Iya sa fourth child nila ni Drew. In-announce ni Iya ang good news sa January 3, 2022 episode ng Mars Pa More. Marami na agad ang nag-congratulate sa Arellano family.

Timing naman na nag-groundbreaking na ang bahay na ipatatayo nina Drew at Iya, kakailanganin nila ng more space with their growing family.

Two boys and one girl ang anak ngayon ng mag-asawa, kung ang netizens ang masusunod, gusto nila baby girl uli ang isilang ni Iya para two boys and two girls ang kanilang mga anak.

Four months preggy na si Iya, pero kahit buntis siya, tuloy ang kanyang trabaho sa Chika Minute ng 24 Oras  at kung kailan malapit nang manganak, saka lang siya magpapahinga.

Mapapanood pa rin siya sa Eat Well. Live Well. Stay Well na sila ni Chef Jose Sarasola ang hosts.

Ricky at Jackielou, ngayon lang uli nagsama

Magkasama sa I Can See You: AlterNate  sina Ricky Davao at Jackielou Blanco bilang sina Lydon David at Carmencita David at gaganap na mag-asawa at adoptive parents ni Dingdong Dantes na first time gaganap sa dual role.

Ngayon lang uli nagkatrabaho ang dalawa na hindi namin alam i-describe ang status dahil they are very comfortable. Mas concern pa ang kanilang mga anak na kuwento ni Ricky, nagti-text sa kanya asking kung gagawin ang mga eksena, gaya nang sasampalin niya si Jackie.

Sa tanong kung nadalian ba siyang muling makatrabaho si Jackie, sagot ni Ricky, “madaling katrabaho si Jackie dahil magaling na artista, maganda ang material, hindi siya usual at nagba-back-up nga ang mga anak namin.”

Heto naman ang sagot ni Jackie sa same question, “hindi ako nahirapan. I’m very happy  to be given a chance for us to work together after so long. Napakadali to work with direk Ricky because he’s very professional, walang naging problema. Nakakapanibago lang in the beginning, after a while okay na. Sabi ko nga sa mga anak ko, ‘grabe, ang galing ng tatay n’yo.’”

Sa direction ni Dom Zapata, tatakbo ang AlterNate for four weeks sa GMA Telebabad.

Jasmine, bongga ang birthday post kay Alden

Ang ganda ng birthday message ni Jasmine Curtis-Smith sa 30th birthday ni Alden Richards na leading man The World Between Us. Nag-post si Jasmine ng photo nila ni Alden at inalala rin nito ang first time nilang nagkita sa isang event 10 years ago. “Happiest birthday! It’s been 10 years since that ribbon-cutting and all I can say is CHEERS and that I will always be your friend beyond the cameras.”

Pinasalamatan din ni Jasmine si Alden at sa naging journey nila bilang sina Lia at Louie sa The World Between Us. Sabi nito : “Since this is our last week as Lia and Louie on air for The World Between Us, thank you for making it a breeze to work with you (as always). May you rock all upcoming projects this 2022.” Final week na ng series this week.

vuukle comment

MEL SARMIENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with