^

Pang Movies

KZ, naglabas ng tagos-pusong bersyon ng have yourself a merry...

Pang-masa

MANILA, Philippines — May nakakaantig na rendisyon ng Have Yourself a Merry Little Christmas si KZ Tandingan mula Tarsier Records na swak para sa mga excited na para sa kapaskuhan taglay ang kanyang hiling na saya para sa lahat.

Sorpresang ini-release ng Kapamilya artist ang awitin nitong Huwebes (Dis. 16) na magbabalik ng mga alaala at mas magpapasigla pa ng paligid lalo na para sa mga hindi pa rin ramdam ang nalalapit na selebrasyon ng Pasko.

Maririnig sa interpretasyon ng Asia’s Soul Supreme ang stripped down na bersyon ng kanta at ang piano instrumental hatid ni Jem Florendo na siguradong kukurot sa puso ng mga makakarinig nito.

Unang ipinerform ng American actress-singer na si Judy Garland ang Have Yourself a Merry Little Christmas para sa 1944 musical film na Meet Me in St. Louis. Ilan pa sa mga gumawa na rin ng sarili nilang bersyon ng kanta sina Michael Bublé, Josh Groban, John Legend, Christina Aguilera, at Sam Smith.

Ito rin ang ikalawang kantang ini-release ni KZ sa ilalim ng Tarsier Records matapos ang unang international single niya na 11:59, na naging dahilan para maging spotlight artist siya ng EQUAL Philippines playlist ng Spotify nitong Nobyembre at para na rin magkaroon siya ng billboard feature sa New York Times Square.

Yakapin na ang masayang pagdiriwang ng Pasko at pakinggan ang Have Yourself a Merry Little Christmas ni KZ sa iba’t ibang various digital music platforms.

vuukle comment

KZ TANDINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with