^

Pang Movies

Kris, pumayat pa, less than 95 lbs na ang timbang!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, pumayat pa, less than 95 lbs na ang timbang!

Sinabi ni Kris Aquino na sinagot ni former DILG Secretary Mel Sarmiento ang prediction ng iba na sa hiwalayan din naman mauuwi ang lahat at pinagdududahan ngang baka hindi pa matuloy ang kasal nila. Aniya sa kanyang reply sa comment page ng post na sinabi nitong “I will spend the rest of my life with her. Kaya ang paghihiwalay  is not going to happen. I love her very much. – Mel S. Sarmiento.”

Biglang naging aktibo uli si Kris sa social media at sumasagot sa mga ibang comment.

Maging post ni Nay Lolit Solis ay nag-comment si Kris tungkol sa mapapangasawa at inamin nitong kailangan niyang magkaroon ng alalay dahil nga mas naging lampa pa siya ngayong mas pumayat pa siya.

“Nay, Senen is his middle name like my Bernadette. Ikaw ang nag start na tawagin akong Tetay but i’m Kristina Bernadette Cojuangco Aquino, he is Mel Senen Sevilla Sar­miento and in fact 2nd cousin nya ang mahal natin na si Direk Chito Roño. It seems everyone from Calbayog, Samar is somehow related. Yung pagka clingy ko, yes i am BUT also because as you’ve always known, super LAMPA ako. Nag worsen pa now that i’m less than 95 lbs- so parating kailangan may nakabantay especially kung naka high heels ako,” buong sagot ni Kris.

Pintor, tuloy ang paghihintay sa bayad ni Jinkee sa portrait!

Naghihintay pa rin si Pastor Gene Leysa, na isa ring visual artist, sa sinisingil niyang P200,000 para sa portrait ni presidentiable Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

Three weeks ago nga nang dumalaw si Pastor Gene sa Obra Ni Nanay Gallery (na pag-aari ni Nay Cristy Fermin) bago nag-umpisa ang digital program nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu, na Take It... Per Minute, Me Ganun, tuwing Martes ng tanghali, kasama ang isa pang pintor na si Jo Florendo kung saan naalala niya na may ginawa siyang portrait ng mag-asawa noong 2016.

Ikinuwento nga ni Pastor na ipinakita niya ito sa mag-asawa, sa General Santos, at sinabi diumano ni Jinkee na pababayaran niya kay Sen. Manny ng P200,000 - 3X4 feet ang sukat.

Nakailang beses na siyang naningil, pero hindi pa rin diumano siya nababayaran hanggang ngayon.

Hindi naman daw siya galit, pero sana raw mabayaran siya dahil malaking bagay ang P200K hindi lang para sa kanya, kundi sa church na pinagsisilbihan niya.

Nabanggit na niya na nawalan na siya ng pag-asa na babayaran siya pero naalala nga raw niya lalo na nga’t kabi-kabila ang balita na namimigay ng pera si Sen. Manny at presidentiable sa mga lugar na pinupuntahan niya.

Sana raw talaga makasingil siya at mabayaran siya dahil malayo ang mararating ng nasabing halaga pag nakuha niya.

vuukle comment

MEL SARMIENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with