^

Pang Movies

EA, pinaghandaan ang pagsusuot ng underwear

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
EA, pinaghandaan ang pagsusuot ng underwear

Binulaga ng aktor na si Edgar Allan Guzman ang maraming beki nang biglang lumabas ang sexy underwear pictorial niya para sa isang kilalang local clothing brand.

Maraming beki ang natuwang makita nila na naka-underwear lang si EA. First time raw nilang masilayan ang magandang katawan ng aktor at katakam-takam daw ang kulay nito dahil Pinoy na Pinoy at hindi raw tulad ng ibang underwear models na mga tisoy.

Nagpasalamat naman si EA sa mga nagkagusto at pinusuan ang kanyang very first endorsement para sa naturang underwear brand. “Felt really proud of myself doing this for the very first time. Hard work really pays off! Proud to announce that I am now part of the BENCH family! Thank you @benchtm, @bcbench and @benchbodyph for the trust! What a way to welcome October!” post pa niya sa social media.

Matagal na raw dream ni EA na maging isa sa ambassadors ng naturang underwear brand kaya hindi raw siya nagpabaya sa kanyang katawan. Ngayon ay kahilera na niya ang ilang celebrity underwear models tulad nina Derrick Monasterio, David Licauco, Gil Cuerva, Paul Salas, Jeric Gonzales at Enzo Pineda.

Napapanood pala si EA sa weekly comedy series na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Kiray, sagad ang kilig sa ginawa ng BF

Lalong kinilig ang komedyanteng si Kiray Celis sa ginawa ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Pina-tattoo ni Stephan sa kanyang dibdib ang kanilang mga mata.

Ang napili pa raw na mata niya ay noong ma-make-up-an siya ni Fanny Serrano para sa isang photo shoot.

Iyon na raw ang pinaka-sweet na ginawa ng isang lalake para sa kanya. “Nakakahaba ng buhok na ipa-tattoo ka ng isang partner mo. Para sa amin kasi, kaya daw two ‘yung mata kasi road ‘two’ forever na raw. Naks! Natuwa naman ako kasi siyempre miss na miss ko na rin si TF eh. Ang pinaka-favorite na pictorial ko sa buong buhay ko ‘yung gawa talaga ni Tito Fanny,” sey ni Kiray.

Gusto rin daw ni Stephan na ipa-tattoo ang pangalan ni Kiray, at ang magiging mukha ng kanilang magiging anak. “Sabi niya, gusto niya eh. Sabi ko ‘Huwag muna. Teka lang naman, hinga-hinga muna tayo!” sabay tawa ni Kiray.

Hindi naman tinatago ni Kiray na pinagdasal daw niya talaga ang katulad ni Stephan na dumating sa buhay niya. “Sabi ko ‘Gusto kong makahanap ng kagaya ng papa ko. Noong nakausap ko pa lang siya, sabi ko ‘Ito na ‘yun,” sey pa niya.

May mga netizen na nagpayo kina Kiray at Stephan na dapat hindi sila nagpapa-tattoo ng pangalan at mukha ng karelasyon nila dahil kadalasan daw ay hindi nagkakatuluyan ang mga ito. Mapipilitan pa raw silang ipabura o palitan ng ibang design ang pina-tattoo nila.

vuukle comment

EDGAR ALLAN GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with