^

Pang Movies

Gabay guro, tuloy ang pagpapasaya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gabay guro, tuloy ang pagpapasaya

Bongga naman ng Gabay Guro this year, Salve. Talagang all-out ang campaign ni Chaye Cabal Revilla sa pet project na ito ng PLDT na talagang very close sa puso ni Sir Manny Pangilinan.

Imagine na ang hosts na sina Pops Fernandez, Derek Ramsay, Iza Calzado, Dominic Roque at Atom Araullo, lahat dumalo sa virtual presscon headed by Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal Revilla.

Totoong heroes ng pandemic ngayon ang mga guro na kahit pa nga gaano kahirap ang situation ng online schooling, inuna ang responsibility nila sa mga bata, ang pag-asa ng bayan natin.

Nakakatuwa dahil kita mo ang dedication ni Ms. Chaye Cabal-Revilla sa teachers na lagi na ay priority niya dahil nga sa alam niya na tunay na unsung heroes. Mabuti na lang at me­rong Gabay Guro ang PLDT, kahit papaano meron siyang matatakbuhan para sa tulong ‘pag kailangan nila.

Salute to teachers. Salute to PLDT. Salute to Chaye Cabal Revilla.

LT, nagpaampon kay Rhea Tan!

Adopted ‘daughter’ ni Rhea Tan ng Beautederm si Lorna Tolentino ng almost two weeks. Kasi nga merong break ang Ang Probinsyano. Eh ang layo nga naman ng Ilocos from White Plains kaya ang ginawa niya, nag-halfway house na lang siya sa napakara­ming guest house ni Rhea Tan ng Beautederm sa Angeles City.

Eh balak yata ni Rhea na magbukas ng office at extension ng A-List store niya ng mga high-end na gamit sa La Union kaya mas mabuti na stay na lang dun si Lorna na sinamahan pa ni Glydel Mercado para sa opening ng bagong branch ng A-List at Beautederm.

Bongga si Rhea Tan, imagine ang ibang business nagsasara, ‘yung Beautederm at A-List Luxury Store magkakaroon ng bagong branch. Sobra sa suwerte ha, kaya naman sure ako na panay ang harbat nina Lorna at Glydel sa mga paninda nito.

 

vuukle comment

GABAY GURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with