Christine Bersola, lumakas pa ang negosyo
Five Ps ang pattern ni Christine Bersola-Babao kaya wala siyang naging isyu sa pera kahit ngayong meron pa ring pandemya at maraming nangangailangan ng dagdag na kita.
Kilalang businesswoman si Christine kahit noon pa na ngayon ay naka-adjust na sa digital economy.
At kasama sa kanyang 5 P’s ang positivity, prayers, patience, perseverance and passion na dinadagdagan pa niya ng pang-six na p, pera.
Ito ang kasama sa mga sikreto ng misis ni Julius Babao na chinika niya nang maging resource person sa webminar ng Pilipino Star NGAYON - Wais Sa Kwarta IV Madiskarteng Entrepreneur last Friday.
Dati nang bazzarista si Christine na nag-umpisa sa 7 to 8 food cart mula sa talent fee ng kanyang endorsement na nilagay niya sa ilang mall.
Hanggang nagkaroon nga ng pandemic at kailangan niyang isara ang mga physical kiosk niya sa mall. At doon na pumasok ang mga online franchise business niya. “Kailangan lang may mindset ka na ayaw mong maghirap at ayaw mong maghirap din ‘yung mga tinutulungan mo. Gusto mo rin maging maginhawa ang buhay nila at gusto mong makatulong,” pahayag ni Ms. Christine kung anong motivation at exercise ang ginagamit niya para mas maging inspirado sa pagnenegosyo ngayong new normal.
Dagdag pa niya, “Ganoon lagi ang mindset mo everyday, Paggising mo in the morning and you pray to the Lord, sinasabi ko na Lord bless us abundantly.
“‘Wag maging selfish sa mga blessings na papasok sa ‘yo then God will also bless your business, ‘yun lang wag maging selfish at marami ka ring magiging blessings,” na aminadong seven years old pa lang ay nagnenegosoyo na.
Magaling daw kasing negosyante ang mother niya kaya nga masasabi raw talaga niyang babypreneur siya na nadala niya hanggang sa kasalukuyan.
Kaya ngayon ayon kay Christine, almost P12,000 ang income ng ibang mga nag-franchise sa kanya at lumakas pa ang mga negosyo niyang food cart via online.
Rhian, naka-15 years na sa kapuso
Fifteen years na rin pala si Rhian Ramos sa GMA 7 at nanatili siyang loyal sa network matapos siyang mag-renew ng contract last week.
“I feel so lucky that I get to live my dream and continue to live my dream with the station that supports me and it feels so right because GMA is my home, they’re my family. I feel comfortable here. I feel well-guided and taken care of. I’ve been here for 15 years already and loyalty is a value that I really appreciate in others and I also try to emulate it myself. I feel that GMA has also been so loyal to me through the years with all the opportunities and guidance they’ve given me,” ayon sa actress.
Tumatak si Rhian sa Stairway to Heaven nung umpisa ng career niya pero ngayon ay napapansin ang akting niya sa Love of My Life with Coney Reyes, Mikael Daez and Carla Abellana.
- Latest