^

Pang Movies

Daniel tameme pa rin sa naging kapalaran sa Polish GF

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nung isang taon pa alam ng publiko na hiwalay na ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa kanyang Polish model girlfriend na si Karolina Pisarek nang mapansin ng followers ng actor na hindi na nila nakikita sa Instragram account na magkasama ang dalawa.

The couple celebrated their second anniversary bilang magkasintahan nung August 2019 pero bago nagtapos ang taong `yon ay wala na sila.

Hindi pa nagsi-share si Daniel kung ano ang naging cause ng kanilang paghihiwalay pero naniniwala ang marami na dahil na rin siguro sa kanilang long-distance love affair. Sa Pilipinas naka-base si Daniel habang nasa Poland naman si Karolina.

Bago si Karolina ay huling nakarelasyon ni Daniel ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales. Naging girlfriend din niya ang misis na ngayon ni Sorsogon Governor Chiz Escudero na si Heart Evangelista.

For now ay nagwu-work ang LDR (long distiance relationship) ng ilang couples tulad nina Yam Concepcion and her US-based boyfriend na si Miguel CuUnjieng, sina Lovi Poe at US-based British producer boyfriend na si Montgomery Blencowe, sina Glaiza de Castro at ang nobyo nitong Irish na si David Rainey maging ang magkasintahang Eugene Domingo at ang Italian boyfriend nitong si Danilo Bottoni habang engaged na ang aktres na si Ina Feleo sa kanyang Italian boyfriend na isang businessman na si James Gerva.

Nag-work din ito sa mag-asawa na ngayong sina Valerie Concepcion at Francis Sunga na naka-base sa Guam, USA.

Anne inulan ng pagbati sa pagiging mommy!

Dalawang buwan lamang ang pagitan ng panganganak ng mag-sister-in-law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis.

Si Solenn ay nagsilang ng isang baby girl na kanyang unang supling sa husband niyang si Nico Bolzico nung January 1 habang si Anne ay baby girl din ang isinilang last March 2 sa Melbourne, Australia sa husband niyang si Erwan Heussaff, ang nakababatang kapatid ng singer-actress-TV host na si Solenn.

Ang husband ni Solenn na si Nico ang unang nagbalita na nanganak na nung hapon ng March 2 si Anne.

Agad inulan si Anne ng mga pagbati sa kanilang first born ni Erwan sa pamamagitan ng social media.

Hindi pa sini-share ng mag-asawang Erwan at Anne ang pangalan ng kanilang unang baby.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with