^

Pang Movies

KCFI at DEPED mas matibay ang partnership

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtibay muli ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) at Department of Education (DepEd) ang kanilang partnership para sa implementasyon ng mga proyekto tulad ng Basa, Bilang para ma-develop ang kakayahan sa pagbabasa at pag-unawa sa math ng mga Kindergarten hanggang Grade 3 na mag-aaral gamit ang curriculum-based na mga video.

Hatid rin ng partnership ang 10-12 month na certificate course Program para sa Inclusive at Innovative Master Educators (PRIME) sa mga guro sa primary grades.

“We are eager, excited and hopeful to reach more, teach more and help DepEd improve lear­ning outcomes among Filipino children, especially in reading comprehension and mathematics,” said KCFI president and executive director Rina Lopez Bautista.

Ang nilagdaang kasunduaang ito ang magbibigay daan para sa donasyon ng educational videos para sa senior high schools at mga paaralan sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad at kaguluhan; pati na rin sa pagsasatupad ng Edukalidad sa Kalamidad, isang alternatibong learning intervention program na nagbibigay ng mga materyales para sa KnowledgeTV at pagsasaayos ng mga programa sa Knowledge Channel upang makahabol ang mga kabataang naapektuhan ng kalamidad o sakuna, kasama na ang karagdagang tulong psychological at educational para sa mga kabataang Pilipinong nasa mga sitwasyong pang-emergency.

Matagal nang nagsasanib-pwersa ang KCFI at DepEd sa pagbibigay ng kaukulang edukasyon at pagpupuno sa learning gaps sa limang milyong mag-aaral sa mahigit sa 8,000 na pampublikong paaralan at mga alternatibong learning system centers sa Pilipinas.

RINA LOPEZ BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with