^

Pang Movies

Arci todo rampa sa Oscar events, Parasite winner na winner

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Arci todo rampa sa Oscar events, Parasite winner na winner

Lunes na Lunes pero ang daming pangyayari sa paligid kahapon.

Umaga pa lang ay nag-rejoice na ang mga Pinoy K fanatics sa pagkapanalo ng pelikulang Parasite sa Oscars 2020.

Though may hint na patataubin talaga ng Korean movie ang mga bigating Hollywood films. 

Bukod sa Best Picture, Best Director din si Bong Joon-Ho, Best International Feature Film at Best Screenplay pa ang dark comedy movie.

Kaya naman ang Pinoy movie fans, naiinggit na naman dahil bakit daw tayo hindi makagawa ng ganung pelikula.

Winner din in a way si Arci Muñoz kahapon. Naka­rampa siya sa Oscars events at naka-photo op pa siya sa top winners ng 92nd Academy Awards. At nagamit niya pa ang pinag-aralang Korean language.

“I greeted mr. Kang ho Song (lead actor)! Had a convo with him in Korean!! Oh was soo glad I took my korean class!! Told him how much I love their movie!! He quickly grabbed me by the hand and introduced me to ze man!! #bongjoonho And so the next photo happened! Congratulations to #parasitemovie @parasitemovie making history today at the #oscars #academyawards,” caption niya sa photo nila ng director at bidang actor ng Parasite.

Una na siyang naka-photo op sa actress na si Michelle Rodriguez.

Kilalang K pop addict si Arci.

Quo Warranto sinagot ng Kapamilya

Isa pang mainit na pangyayari kahapon ang tungkol quo sa warranto case sa ABS-CBN.

Mapapasara na nga ba ang ABS-CBN?

Bukod nga kasi sa hindi pa naayos na franchise renewal ng Kapamilya Network, dumagdag pa itong quo warranto.

Narito ang sagot ng network...

“Walang basehan ang mga alegasyon ng Office of the Solicitor General na nakalahad sa nilabas nitong press statement. Sumusunod ang ABS-CBN sa mga batas kaugnay ng aming prangkisa at aprubado ang operasyon namin ng mga kaukulang sangay ng gobyerno.

“Aprubado, may permiso ng gobyerno, at hindi labag sa franchise ang lahat ng mga serbisyo namin sa broadcast, kasama na ang KBO. 

“Masusing sinuri at inaprubahan ng Securities and Exchange Commission at Philippine Stock Exchange ang Philippine Deposit Receipts o PDRs ng ABS-CBN Holdings bago ito inialok sa publiko. Ang PDRs ay mga instrumento na ginamit din ng ibang broadcast companies upang makalikom ng pondo para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo.

“Ang pagmamay-ari ng ABS-CBN sa ABS-CBN Convergence ay sumailalim sa parehong mga batas at estrukturang sinusundan din ng ibang telecommunication companies. Aprubado ang mga ito ng Public Telecommunications Policy Act at ayon ito sa batas.

“Nais naming idiin na lahat ng ginagawa ng ABS-CBN ay sumasang-ayon sa batas. Hindi namin nilabag ang batas. Ang kasong ito ay tila isang pagtatangka para ipagkait sa mga Pilipino ang mga serbisyo ng ABS-CBN,” ang bahagi ng depensa ng network sa kanilang pinadalang statement.

 Bukod sa iba’t ibang grupo, marami nang artista ang nagpahayag ng suporta sa nasabing franchise renewal  sa social media, kabilang na sila Vice Ganda, Bea Alonzo, Angel Locsin, Lea Salonga, Anne Curtis, Robi Domingo, Sunshine Cruz, Liza Soberano, Karla Estrada, Ria Atayde, Gretchen Ho, Agot Isidro, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Iza Calzado, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

OSCARS 2020

PARASITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with