Kinayang mag-isa...
Grabe and saya-saya ng ginanap na general assembly ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last January 10 sa office sa Roces Avenue. First time akong lumakad mag-isa. Eh, ayaw nga akong payagan ni Jenny, my daughter, dahil hindi niya ako masasamahan, dahil may mahalaga rin siyang walk tungkol sa kanyang papasuking job.
Baka mabulilyaso pag hindi siya nakarating. Kailangan din naman na magkaroon siya ng trabaho dahil may pinag-aaral siyang dalawang anak.
Nang magkasakit ako, grabe iniwan niya ang trabaho niya para alagaan ako. Almost five months akong may sakit, back and forth sa Philippine General Hospital.
Akala ko, hindi ako makaka-survive pero sa awa ng Diyos, nakabawi ako. Na-save ako ng gamot ni Padre Pio.
Mga taong tumulong sa akin in prayers. Kay mother Ricky Reyes. Maging kay Veronica Samio, may her soul rest in peace. Sa mga ibang katoto, sa mga showbiz people na open arms sa pagtulong, Salamat po! Pagpalain pa po kayo ng Panginoong Diyos.
Gaya nang nasabi ko na dumalo ako ng general meeting ng PMPC na sa office ginanap. Ang saya-saya, nagulat ang members ng malamang nag-iisa ako.
With guidance of our God almighty hindi tayo mag-iisa sa paglakad. Election din ng bagong pamunuan for 2020. Hindi ko tinapos ang election kaya hindi ko pa alam ang new officers, sabagay may mga dati nang members na kung sila ang nanalo, salamat dahil kilala ko ang mga karapat-dapat na manalo ulit.
God bless you all! Kapamilya series nakakaaliw!
Ang seryeng Pamilya Ko ng ABS-CBN ang isa sa programa nila na maiinis ka kapag hindi mo napanood. Eh kasi, pampamilya talaga.
Si Joey Marquez, ang daming anak, ganoon din sa totoong buhay, huwag mag-deny!
Ang gagaling kaya ng mga artista, tulad nina Sylvia Sanchez, JM De Guzman, Rosanna Roces, Irma Adlawan, at marami pang iba, napaka-husay!
Hindi rin matatawaran si Dimples Romana sa Kadenang Ginto, yung mga pagtirik at pag-ikot ng kanyang mga mata ng 360 degrees. Ganundin si Joem Bascon sa Starla, kung saan napakaraming nalungkot sa pagwawakas ng nasabing programa lalo na ang mga bagets na fans ni Enzo Pelojero o mas kilala bilang Buboy. Si Joel Torre, wala ring kupas sa pag-arte.
Natuwa rin ang mga maka-Juday (Judy Ann Santos) sa kanyang pagbabalik telebisyon.
Hay, kaaliw talaga ang mga palabas sa ABS-CBN.
Maraming salamat...
Thank you sa Vilmanian na si Sandy Mariano sa give n’yo for my medical assistance and through Linda Rapadas, natanggap ko ang inyong padala. Maraming Salamat! And to Azenith Briones, ingat lang sa mga taong ‘di kanais-nais na tatarakan ka patalikod, smile lang and always pray. God bless!
- Latest