Young JV pinalaking independent ng ambassador na ama
Maraming nag-question kay hiphop artist Young JV Kapunan sa launch niya as the celebrity endorser ng bagong produkto ng Megasoft Hygienic Products, ang Fasclean Extra Power Detergent Powder, with fabric conditioner. Biro pa sa kanya, marunong ba siyang maglaba?
“Ay opo, marunong po akong maglaba,” nakangiting sagot ni Young JV. “Lumaki po akong marunong maglaba, doon sa amin sa Iloilo, dahil ang dad ko (Ambassador to Myanmar Eduardo “Red” Kapu-nan), ay tinuruan akong maging independent, kaya kahit ang paglalaba ng sarili kong damit, ipinagawa niya sa akin. At noon po, dapat makita niyang ako talaga ang naglalaba. Kaya hanggang sa ngayon, kahit po hectic ang schedule ko, hinahanapan ko ng oras na ako mismo ang maglaba ng damit ko. Kaya, hindi ako nagdalawang isip tanggapin itong offer sa akin ni Ms. Aileen Go na i-endorse ang Fasclean.
“Hindi po ako nahihiyang i-promote ito sa mga students sa schools na pinupuntahan namin. At sinasabi ko sa kanila na ako mismo ang naglalaba ng mga damit ko, using Fasclean. Favorite ko ang Sampaguita scent ng Fasclean, mabango rin ang Lavender scent.”
Meanwhile, nai-release na rin ni Young JV ang latest single niyang Malandi Ka from his own music label, ang Not So Famous under Star Music, na kinakanta niya sa shows nila. Excited na rin si Young JV sa upcoming action movie niya, ang CineBro’s Death Card na gaganap siyang isang kontrabida. Next year na raw siya tatanggap ng teleserye, dahil nag-aaral pa siya ngayon sa Thames International.
“Kumukuha po ako ng business course, na-influenced ako ni Ms. Aileen, at nasa seven months na akong nag-aaral. Thankful din po ako na kasama ko siya as Fasclean Brand Ambassadress ng Fasclean. Siya po ang aming VP for Sales and Marketing pero hands on pa rin siya tuwing may Megasoft events kami.”
Alden nagpasalamat sa mga tumutok sa The Gift
Nagpasalamat si Alden Richards at mga kasama sa inspirational drama series na The Gift, bago ito nag-air last Monday.
Bago sila sabay-sabay na nanood ng pilot episode sa location ng taping nila, pinangunahan ni Alden ang pagdarasal ng pasasalamat at pagtataas sa Diyos ng kanilang sisimulang soap opera.
“Maraming-maraming salamat po sa isang napakagandang proyekto na ibinigay ninyo sa aming lahat. Nawa po itong The Gift ay maging inspirasyon sa mga nakararami. Matindi po ang pinagdaanan sa paghahanda nito, iniaangat namin ang proyektong ito na handog namin para sa ating mga kababayan at Kapuso nating walang paningin at may mga kapansanan,” dasal ng aktor.
Isinunod ni Alden ang prayer before meal at kasunod nito ang boodle fight ng lahat ng cast at production staff na naroon.
Maraming commercial loads ang serye na dinidirek ni LA Madridejos, Nagpasalamat din ang production team dahil nag-trending ito ng number one nationwide at number 5 naman worldwide.
- Latest