Mga fans na nega, malas sa mga artista!
Naaawa na ako sa mga artista na sinasamahan ng fans na negative. In life, may tinatawag tayo na people chemistry, ang mga tao sa paligid na nagbibigay-suwerte at energy para umangat ka at magtagumpay.
Malaking bagay ‘yon sa tao dahil ang vibes at energy nila, humahalo sa energy mo.
Mahaba ang pasensya ko sa mga fan dahil iniidolo nila ang mga artista na kahit minsan, bulag sila sa mga nangyayari.
Nakita ko na ang lahat ng uri ng fans sa halos fifty years ko sa showbiz. Lahat yata ng klase ng mga tao, na- meet ko na.
Ang mga tao na puno ng hatred sa utak, bobo sa pag-intindi, hindi ako maniniwala na capable sila para humanga o magmahal ng artista o ng kapwa nila.
Malaking MALAS sila sa sinuman na celebrity na kanilang dinidikitan dahil bad vibes at negative energy ang mga dala nila.
So funny reading comments sa issue ng road safety at lindol pero ang sabihin na mamatay ka at mukhang pera, natawa ako, dahil sa sobrang BOBO ng tao na nagbigay ng ganoong comments.
Hindi man lang nila naisip ang kabutihan at intelligence na puwedeng i-share sa celebrity na kanyang dinidikitan, kung ganoon ang takbo ng utak niya.
Hindi ko magamit ang word na hinahangaan, idolize, o mahal nila dahil wala ‘yon sa kanilang utak at puso kaya dinidikitan ang word na ginamit ko.
Nakakaawa ang mga artista na may mga ganoong klase ng tao sa paligid nila. Sabi ko nga, inabot ako ng halos 50- years sa showbiz, baka hindi man lang umabot ng 20-years ang career ng mga artista na ini-idolo dahil sa mga tao na sobrang MALAS na nakadikit sa kanila.
Hay naku, nahiya tuloy ako bigla sa 82K na followers ko sa Instagram na madalas dagsain ng mga masasabing bobo pero payo lang ito sa mga artista, tingnan n’yo at pag-aralan ang mga taong dumidikit sa inyo, malas ba o suwerte ang dala nila sa inyo?
Basta huwag kayong maniwala na puwedeng magmahal ang isang tao na ganoon kasama ang ugali at utak. Destructive. Negative. MALAS, kaya dumidikit lang sila sa mga artista dahil they have nothing.
Yasmien at Therese kinilala ang husay!
Masaya ang pagsalubong nina Yasmien Kurdi at Therese Malvar sa Easter Sunday dahil sa mga parangal na natanggap nila mula sa Laguna Excellence Awards 2019.
Dahil sa kanilang husay sa pag-arte, hinirang si Yasmien bilang Outstanding TV Actress of the Year sa kanyang pagganap bilang Thea Balagtas sa advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka samantalang Indie Film Actress of the Year naman si Therese.
Talagang subok na ang husay ng dalawa sa pag-arte kaya todo-suporta ang kanilang fans sa mga show nila sa GMA-7,ang Hiram na Anak ni Yasmien at Inagaw na Bituin ni Therese.
Kasama ni Yasmien ang kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr. nang dumalo siya sa Laguna Excellence Awards 2019. Bongga si Rey dahil kahit hindi ito artista, siya ang binigyan ng special award na Male Star of the Night.
- Latest