^

Pang Movies

Ibang mga babae ng actor-politician, hindi nakatiis sa kanyang misis!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Bibilib ka sa dating aktres na ito na married sa isang actor-politician.

Kahit binubuska siya ng iba tungkol sa pagkaka-link ng kanyang mister sa ibang mga babae, mataray niyang sinasagot ‘yon na hindi siya maiiwanan ng actor/politician dahil siya ang original.

Marami na nga raw naging babae ang kanyang mister, pero never daw siyang iniwanan!

Ang mga kabit daw ni actor/politician ang iniiwanan, pero siya ay forever!

Wow!

Bong Kapuso pa rin

Ang dialogue ni Bacoor City Mayor Lani Mercado na kilala na nila ang talagang mga tunay nilang kaibigan nang makulong ang mister niyang si Bong.

Sabi naman ni Bong, natutuwa siya na marami ang sumusuporta sa kanyang kandidatura sa pagka-senator ngayong May midterm elections.

Puring-puri ng mga nagpunta sa kanyang meet-the-press ang pagiging fit na fit ni Bong.

Si Tita Annabelle Rama nga ay napansin na walang katiyan-tiyan ngayon si Bong!

May mga nag-a-advice nga pala kay Bong na bukod sa action-comedy movie na Alyas Pogi ay gumawa rin siya ng isang romantic-comedy movie.

May mga nagsabi rin na dapat ay mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero nilinaw naman ni Manay Lolit Solis na may contract pa rin sa GMA-7 ang actor/politician, pero may gagawin daw itong pelikula sa Star Cinema.

Noon pa raw naka-commit si Bong sa Star Cinema.

Ken-Rita mas natipuhan

Ang tambalang Ken Chan at Arra San Agustin ng My Special Tatay afternoon series ng GMA-7 ang love team na hindi pa sumisikat ay inayawan na ng viewers, huh!

Si Rita Daniela kasi na dapat ay bida/kontrabida ng series ang nagustuhan ng viewers for Ken!

Mismong ang mga taga-Kapuso network na ang nagsabing talagang hindi na mapipigilan ang BoBrey tandem nina Boyet (Ken Chan) at Aubrey (Rita Daniela) ng My Special Tatay, ha! Bukod daw kasi sa pataas nang pataas ang ratings, affected talaga ang buong sambayanan lalo na’t nagkahiwalay na sila dahil sa takbo ng istorya ay pumunta na si Aubrey sa Nueva Ecija.

Pero kahit na mas dumarami ang challenges sa kanilang relasyon, mas lalong hinahangaan ng fans si Boyet dahil sana raw lahat ng kababaihan, may kagaya niya na mapagmahal na partner.

Naku, kanino naman kaya next itatambal ng Siyete si Arra dahil obvious namang hindi na talaga mapipigilan ang love team nina Ken at Rita, huh!

At least, may naging effective partner na rin for Ken dahil noong sila ni Barbie Forteza ang pinagtambal ay parang pilit ang naging dating, ‘noh?!

Go, go, go Ken-Rita love team!

Eric isusunod na si Maricel

After ng pa-presscon nina Mother Lily Monteverde at Manay Ichu Vera Perez-Maceda for former Senator Bong Revilla na kumakandidato uli para sa nasabing posisyon, nakita ko sa baba ng Gloria Maris restaurant si Roselle Monteverde na ka-meeting sina Direk Eric Quizon at Dolor Guevarra na nagtsi­tsikahan.

Mukhang ang next directorial project ni Eric ang pinag-uusapan nila, ‘yung pelikulang pagbibidahan ni Maricel Soriano.

Nag-join kami nina Mother Lily at Annabelle Rama sa table nila, kaya natigil ang kanilang meeting. Basta ang dialogue na lang ni Tita Dolor ay dapat na silang mag-contract signing!

vuukle comment

LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with