Juancho, hindi na priority ang raket
Inamin ni Juancho Triviño na mas priority niya ngayon ang kanyang pamilya kaya madalang na raw siyang makita sa mga showbiz event.
Kelan lang ay nagbakasyon sila sa Australia. Habang bata pa raw ang mga anak nila ni Joyce Pring, gusto nilang nae-expose na sila sa iba’t ibang kultura.
“Being the head of our family, sila ang inuuna ko. Tapos na tayo sa pagiging binata, e. But I can still be with my friends, pero family comes first. I love being with my wife and kids,” sey ni Juancho.
Maraming nanghinayang kay Juancho dahil pagkatapos ng mahusay niyang pagganap bilang si Padre Salvi sa Maria Clara At Ibarra, inaasahan na mas mabibigyan pa siya ng malalaking roles.
“Hindi naman tayo choosy. Kung ano i-offer ng network sa atin, buong puso kong tatanggapin. Trabaho pa rin iyon. Hindi lang kasi ako umaarte, I also do hosting jobs paminsan-minsan. Basta may work, doon tayo,” ngiti pa niya.
Abangan daw ang pagbabalik niya sa Widows’ War at tikom ang bibig niya sa mga pasabog ng show. Kasama rin siya sa 3rd anniversary ng Regal Studio Presents kunsaan makakatambal niya sa isang episode si Arra San Agustin.
Next Drag…, may top 4 na
Napili na ang Top 4 ng Drag Race Philippines Season 3.
Pagkatapos ng ilang weeks na nagtunggali ang 11 drag queens sa challenges, naiwan na ang apat na queens para sa final showdown kunsaan isa sa kanila ang kokoronahan as the Next Drag Superstar.
Ang mga queen na naiwan ay ang magkapatid na sina Angel at Maxie of Manila, Khianna of Cagayan de Oro and the oldest contestant ng show na si Tita Baby (46 years old) of Marikina.
Mga naging celebrity judges ng show ay sina Jolina Magdangal, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, Angeline Quinto, Melai Cantiveros, Kyle Echarri, DragRace PH Season 1 winner Precious Paula Nicole, Janella Salvador and Megastar Sharon Cuneta.
The winner of Drag Race Philippines will receive a 1 year supply of Anastasia Beverly Hills Cosmetics and a cash prize of 1 million pesos.
American rapper, may 120 criminal charges
Nahaharap sa 120 criminal charges ang American rapper-producer na si Sean “Diddy” Combs.
Ang 25 sa mga kaso ni Diddy ay sexual assault and or abuse ng minors, kabilang na ang isang nine-year-old.
“Several of the individuals were drug-tested and drugs were found in their system. Weird drugs, drugs that you probably never heard of. Other allegations include violent sexual assault or rape, facilitated sex with a controlled substance, dissemination of video recordings, sexual abuse of minors,” ayon sa report ng TMZ.
Kasalukuyang nakakulong si Diddy at naghihintay ng kanyang trial after pleading not guilty to charges of racketeering, conspiracy, sex trafficking, and transportation to engage in prostitution.
- Latest