^

Pang Movies

Laging nasa Cebu Sarah hindi na maawat kay Matteo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Laging nasa Cebu Sarah hindi na maawat kay Matteo!

Hindi kami magtataka kung isang araw, mabalitaan na lang naming mag-aasawa na si Sarah Geronimo. After all, nasa tamang edad na naman siya. Isa pa, parang ngayon lang yata namin nakitang ganyan ka-inlove si Sarah. Marami na rin naman siyang naging boyfriend in the past, pero siguro nga bata pa naman siya noon. Pero wala siyang nakarelasyon na kasing tindi niyang relasyon nila ngayon ni Matteo Guidecelli, na sa palagay namin mahirap mo nang paghiwalayin.

 

Noong una, nagugulat kami nang nabalitaan namin na nagpupunta si Sarah sa Cebu para suportahan ang kanyang boyfriend tuwing may sinasalihan itong competition doon. Kaya nga ngayon na ang nababalita na nagbabakasyon siya sa Cebu, kasama ng pamilya ni Matteo, hindi na kami nagugulat.

Pakiramdam naman namin talagang doon na papunta ang kanilang love affair. Mahirap mo nang awatin iyan dahil talagang mukhang inlove na sila sa isa’t isa. Tumagal na nang limang taon ang relasyon. Kung iyan ay magbabago pa talaga, dapat may nangyari. Dapat sana lumipas na. Pero dahil ang relasyon nila ay tumagal ng mahigit limang taon, hindi mo na masasabing hindi pa tapos ang “getting to know” period nila. More or less kaya nagpapatuloy ang relasyon dahil decided na sila.

Wala namang dahilan para magkaroon ng objections sa kanilang relasyon. Si Matteo naman ay isang responsableng tao. Makikita mo naman, hindi siya umaasa lamang sa pagiging artista niya, mayroon na rin siyang sariling negosyo kaya may fall back position na siya just in case.

Isa pa, sa loob ng nakaraang limang taon ng kanilang relasyon, wala kang narinig na pumorma man lamang si Matteo sa iba. Pagpapatunay iyan ng kanyang pagiging faithful kay Sarah hindi pa man.

Sa palagay lang namin, iyang ganyang lalaki ang naniniwala sa “forever”.

Diego ayaw muna sa showbiz!

Pinatay na ang character ni Diego Loyzaga sa kanyang seryeng Los Bastardos. Doon sa kuwento, bigla na lang siyang nag-abroad, tapos ay bumagsak daw ang eroplanong sinasakyan niya. Patay na.

Huwag na nating ungkatin pa dahil iyon ay mga bagay na personal. Hindi naman natin maikakaila na lately ay nagkaroon ng kaunting problema si Diego. May mga nagsasabing naapektuhan siya ng kung anu-anong controversy na nangyayari sa kanyang buhay. Sabihin na nating diretso, may mga bagay na “ikinahihiya niya.” Naapektuhan daw talaga si Diego ng mga nakikita niyang posts sa social media.

Naospital nga si Diego, nakalabas na siya sa ospital pero pinayuhan siyang magpahinga muna. Mabuti iyong wala na muna siya sa showbusiness kahit na sandali lang. Kailangan niyang magbakasyon. Hindi naman kasi maikakaila na simula noong pumasok si Diego sa showbiz naapektuhan na siya.

Noon namang pribado pa ang buhay niya walang problema. Nasa bakasyon lang si Diego. Dito lang din naman, at naniniwala kaming hindi magtatagal makakabalik din iyan.

Baguhang artista nawalan ng scholarship dahil sa sex video!

Ano mang gawing pagtatago ng nakaraan, imposibleng hindi lumabas iyan lalo na kung nag-aambisyon nang makapasok sa showbiz ang kahit na sino.

Marami kasing nagkaka-interes na ilabas kung ano man ang nalalaman tungkol sa kanila, kagaya nga noong isang baguhan na itinatago man niyang pilit, may nagkakalat na naman ng kanyang sex video. Iyon din daw ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang scholarship, ngayon mukhang iyon din ang sisira sa ambisyon niya sa showbiz.

vuukle comment

MATTEO GUIDECELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with