^

Pang Movies

Mga nasamahang show ng young actress laging sadsad ang rating

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Jinx ang tawag sa young actress dahil lahat ng mga show na pinagbibidahan niya, mababa ang ratings kaya natsutsugi agad.

Sumasakit na ang ulo ng mga tao sa paligid ng young actress dahil hindi na nila alam ang gagawin para mag-click siya sa publiko.

Baka nga hindi talaga pang-showbiz ang young actress o puwedeng negative talaga ang ugali niya kaya malayo sa kanya ang stardom?

Malakas ang pakiramdam ng mga tao. Nararam­daman nila kapag plastikada ang isang artista at malamang, ito ang kanilang malakas na vibes sa young actress na pinagbibintangan din na may “amnesia” dahil hindi marunong bumati sa mga tao na kasamahan niya sa trabaho.

Balik-tambalan nina Kylie at Ruru pinagdududahan

Si Kylie Padilla ang leading lady ni Ruru Madrid sa Toda One I Love, ang coming soon primetime teleserye ng GMA-7.

Pinagtambal uli ang dalawa dahil malakas ang loveteam nila sa remake noon ng Encantadia.

Marami na ang nangyari mula nang matapos ang Encantadia na hindi natapos ni Kylie dahil nagbuntis ito sa anak nila ni Aljur Abrenica samantalang nagkahiwalay si Ruru at ang ex-girlfriend nito na si Gabbi Garcia. Na-link din si Ruru kina Valeen Montenegro at kay Bianca Umali.

Inaabangan ngayon kung paano tatanggapin ng fans ang iba­balik na loveteam nina Ruru at Kylie dahil ikinasal na ito kay Aljur noong Martes.

Magiging believable pa ba ang romantic scenes nila ni Ruru sa Toda One I Love kahit alam na ng lahat na misis na siya at maligayang-maligaya sa piling ni Aljur?

Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa pagsisimula nito sa first quarter ng 2019.

Ryza naging sosyal ang hitsura nang maging Kapamilya!

In fairness kay Ryza Cenon, naging sosyal ang image niya nang mag-ober da bakod siya sa ABS-CBN dahil sa mga stylist at make up artist na ibinigay sa kanya ng Viva Artists Agency, ang talent management agency na namamahala sa career niya.

Kapansin-pansin ang pagbabago ng physical appearance ni Ryza sa presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Walang iniba sa mukha ni Ryza pero iba na ang mga kilos at pananamit niya pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang down-to-earth na ugali.

Si Ryza ang kontrabida sa filmfest entry nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza. Tinanggap niya ang kontrabida role dahil malaking karangalan sa kanya na muling makatrabaho sina Bossing at Coco. Memorable din kay Ryza ang pagsasama nila ni Maine sa isang pelikula, for the first time.

 

vuukle comment

RATING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with