^

Pang Movies

Kamiseta pinoy na Pinoy ang branding

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kamiseta pinoy na Pinoy ang branding

Sobrang happy ako Mama Salve na now medyo public na si Cris Roque ng Kamiseta. Imagine for so many years ng pagiging businesswoman never na ginusto niya na makilala kaya walang alam ang tao na siya ang power behind Kamiseta Apparel, Kamiseta Hotel, Kamiseta Skin at Vanilla pastries. Now at last lumabas na siya kaya alam na ng lahat ang lady behind Kamiseta.

Nakakatuwa ang branding ng Kamiseta, Pilipinong-Pilipino, dahil nga di ba hilig ng mga kababayan natin magsuot ng kamiseta na comfortable sa katawan, walang arte, at matibay. Kaya iyon ang branding na pinili nila Cris.

Iba pa ang business ng asawa niyang si Gunn Roque na isa ring batang businessman na successful din sa sarili naman niyang Vantage International, iyon favorite natin na Prime Cut Tuna at corned beef at iba pang house items na panlinis.

Iba pa rin ang business ng mga anak nila na bata pa ay nakatuon na rin sa business ang utak dahil sure ako sila magmamana ng Kamiseta.

How nice to see this young family so engrossed sa paglago ng mga binuksan nilang negosyo.

How happy tayo na love nila tayo at love rin natin sila.

Welcome Kamiseta, the pride of young enterpreneurs na you see growing every year. Congratulations.

Abusadong aktor na walang career iniiwasan na ng mga kaibigan dahil sa ‘panghihingi’

Iniiwasan ng kanyang mga kaibigan ang aktor na abusado dahil mahilig humingi ng pabor.

Career-less ngayon ang aktor na nabubuhay sa paghingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan.

Hindi isyu sa concerned friends ang pagtulong sa kapwa pero imbyerna sila sa abusive actor na pati ang pamasahe sa taxi, hinihingi sa kanila. Hingi ha, hindi utang.

Ang katwiran ng concerned friends, dapat mag-adjust ang aktor na abusado. Kung walang pera na pamasahe, matuto siya na sumakay sa jeep o maglakad at kalimutan na niya ang nakasanayan na pasosyal na lifestyle.

Mga magulang ng actor na si Hiro Peralta walang nakikisimpatya

Kaloka naman ang mga magulang ng aktor na si Hiro Peralta.

Natiklo ng police authorities sina Engelbert at Jean Peralta sa isang buy-bust operation sa Bagbag, Novaliches, Quezon City noong Martes nang umaga.

Super-deny ang mag-asawa sa paratang na mga pusher sila ng illegal drugs pero inamin ng nanay ni Hiro na paminsan-minsan, gumagamit ng bawal na gamot ang mister niya.

Cry me a river ang madir ni Hiro na hiyang-hiya dahil nasangkot sa eskandalo ang pangalan ng kanilang anak.

Kahit iyak nang iyak si Jean, walang nakikisimpatiya sa kanya at sa mister niya. Inaalipusta pa nga sila dahil sa kanilang mga edad, nasasangkot pa sila sa pagbebenta at paggamit ng illegal drugs.

Mas marami ang nalulungkot para kay Hiro dahil nadawit ang pangalan nito sa kasalanan na ipinaparatang laban sa kanyang mga magulang.

Imposible na hindi makaapekto kay Hiro at sa showbiz career nito ang very negative issue na kinasasangkutan ng nanay at tatay niya.

vuukle comment

KAMISETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with