^

Pang Movies

Actress-turned politician at asawang pulitiko rin, malapit nang maghiwalay!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Totoo nga kaya Salve A., na natulad ang top actress-turned politician and her politician husband kina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta?

Well, abangan natin ang further development sa balitang ito, tiyak yayanig di lang sa showbiz world, kung hindi sa higher politics pa man din.

Parehong tinitingala ang ka­nilang pamilya, lalo’t sa lipunang individually ay kanilang kinabibilangan.

Coco nahihirapang tsugiin sina Edu, Mark, Lito at Long

Hulaan mo Salve A., kung sino ang mag-37 years old today, November 1?

Si Coco Martin.

Well, happy birthday, Coco.

By the way, did we heart it right na nahihirapan si Coco na siyang producer, co-writer, director at lead actor ng seryeng FPJ’s Ang Pronbinsyano na umisip ng paraan kung paano niya tatanggalin ang top members ng cast na sasabak muli sa pulitika sa May 2019 elections?

Isa na rito si Edu Manzano na sure nang tatakbo bilang Representative ng lone district ng San Juan.

Napaka-importante pa naman ng role ni Edu bilang ang presidente na ngayong si Lucas na nagtraydor kay Rowell Santiago na gumanap bilang dating presidente sa nasabing serye.

Ganun din ang role ng mag-amang Lito at Mark Lapid. Si Lito ay tatakbo muli bilang senador habang si Mark naman ay susubok na maging Mayor ng Porac, Pampanga.

Si Long Mejia naman ay kumpirmado nang tatakbo for representative in Camarines Sur.

Zanjoe threatened kay Carlo?!

Kumpirmado na, na latest addition si Carlo Aquino sa mor­ning serye ni Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na Playhouse bago mag-It’s Showtime.

Natanong namin si Zanjoe kung nati-threaten ba siya sa pag-appear ni Carlo sa serye nila ni Angelica at baka masapawan na ang kuwento nila? Lalo na nga at box-office hit ang huling pelikula ng dalawa na Exes Baggage.

Zanjoe replied: “Ako, personally, feeling ko, Carlo’s presence sa series will help para lalong maging interesting ang kuwento.

“At please, huwag kaming intrigahin ni Carlo, since we are-likewise doing a movie together soon,” ani Zanjoe.

Si Zanjoe ay may currently showing movie na To Love Some Buddy katambal for the first time si Maja Salvador.

Ayon sa kanya, masaya naman siya sa takbo ng movie nila sa mga sinehan.

Bianca magpapa-dede ng anak, pahinga muna sa PBB

Guess who just turned a new mom?

Bianca Gonzales, that’s who.

Kasal si Bianca sa basketball player na si JC Intal at kapapanganak lang niya noong October 29 sa isang second baby girl. Pinangalanan nila itong Carmen Eliana

Ang kanilang panganay ay si Lucia na tatlong taong gulang na ngayon.

Mukhang hindi siya makakasama sa newest sea­son ng Pinoy Big Brother na Otso dahil magpapa-breastfeed pa siya.

Host si Bianca ng PBB simula pa noong 2005.

Samantala, ang mga magiging host naman ng nasabing reality show ay sina Robi Domingo, Me­lai Cantiveros, Kim Chiu, plus Toni and Alex Gonzaga.

Bianca, as a Mom, surely known her priority

vuukle comment

HARLENE BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with