Luigi mas inuna ang pag-aaral
Kahit mga half brothers lamang niya sina Jolo at Bryan Revilla, hindi naging dahilan ang pagkakaroon ni Luigi Revilla ng ibang ina para hindi sila magkasundo at maging malapit sa isa’t isa. Katunayan, maging ang ina ng dalawa na si Cavite Mayor Lani Mercado has always treated him like her own son.
Kasama ang maituturing na pinakabunso sa tatlong anak ni Bong Revilla sa nagtutulung-tulong para ibalik ang kasiglahan ng Imus Production sa pagpoprodyus muli ng pelikula na isa sa mga layunin ay maibalik ang action genre sa pelikula na siyang pinakahahangad hindi lamang ng kanilang amang si Bong kundi maging ng lolo nilang si Ramon Revilla Sr.
Unang pagkakataon na makilala ang pinaka-bunso na si Luigi na mas pinaboran ang kanyang pag-aaral kaysa ang mga ilaw ng kamera.
Tapos siya ng kursong entrepreneurship mula sa Enderun College at bata pa sa gulang na 26 kaya may pagkakataon pang sumubok muli sa kanyang pag-aartista. Magsisimula na sana siya ng isang negosyo pero, dahilan sa pakiusap ni Bong na magtulong silang magkakapatid para mabuong muli ang Imus Productions ay ipinagpaliban muna ang pagtatayo ng negosyo.
Hindi naman nagkamali ng kanyang desisyon si Luigi. Maganda ang na-assign sa kanyang episode sa trilogy na Tres na Amats.
Palabas na ang Tres sa October 3 sa direksyon nina Dondon Santos at Richard Somes.
Rowell naging challenging ang pagiging presidente
Tatlong taon na ang FPJ’s Ang Probinsyano pero, sa mahusay na pagpapatakbo nito ay hindi lumalaylay ang kuwento at nagagawa pang kapana-panabik kaya ayaw humiwalay ng manonood. Lalo na ang episode ngayon tungkol sa kabulukan ng bansa at ang walang kaalaman dito ng pangulo. Pinakamahalagang role ito sigurado ni Rowell Santiago bilang presidente. Napapanood na rin sa episode sina Mystica at ang batang si Rhed Bustamante.
- Latest