^

Pang Movies

JC, walang alam na may baby Boy na si Tom?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
JC, walang alam na may baby Boy na si Tom?!
Tom

Masayang-masaya si JC de Vera sa katatapos lang na pagre-renew niya ng kontrata sa ABS-CBN.

Pumirma ng another two-year contract si JC sa Kapamilya last Nov. 4 at inanunsyo na nga rin ng network ang bago niyang teleserye na Nobody with Gerald Anderson.

“Maraming maraming salamat talaga sa ABS-CBN for the continued trust, at masayang-masaya ako, truly greatful sa pagpirma ko ulit and exciting moments are coming,” sabi ni JC sa pocket presscon niya kahapon.

Super-happy nga ang aktor na naging napakaganda ng taong 2024 sa kanya. Bukod sa projects na dumadarating, JC and his wife are expecting their 3rd child.

“So much blessings. ‘Yung pagkakaroon ng 3rd child, maraming dinadalang blessings, kasama ‘yung contract signing. ‘Pag contract-signing, alam ko talaga, there’s so much opportunities na darating. Tapos, sinuklian kaagad ‘yun, binigyan kaagad ako ng isang teleserye, ‘yung Nobody,” saad ng aktor.

“Yeah, I’m truly blessed right now. Maganda ‘yung tinatakbo ng pamilya, everyone’s healthy, everyone’s doing well, happy ‘yung kids ko,”  dagdag pa niya.

Sa pelikula naman, ipalalabas na ngayong Nov. 27 ang pelikula nila ni Rhian Ramos na Huwag Mo Kong Iwan under Bentria Productions. Kasama rin nila rito si Tom Rodriguez.
Pangalawang pagsasama na raw nila ni Rhian Huwag Mo Kong Iwan dahil nagkatrabaho na sila before sa isang teleserye noong nasa GMA 7 pa siya.

“Ginawa namin ‘yung La Lola, magandang series ‘yun at mahaba. That was 2008, medyo matagal na,” aniya.

Dahil nga si Rhian ang leading lady niya, muling naungkat ng press kay JC ang pagkaka-link nila before at inamin ng aktor na medyo nagdate-date sila noon. “Kasi siyempre, during that time, lahat ng nagkaka-partner do’n parang nagkakaintriga na nagliligawan, nagiging sila, kasi sweet sila, ganyan. Pero come on, matured na tayo lahat dito, eh.

“Teenagers pa kami no’n. She has her own boyfriend right now and I have my own family right now,” sey ni JC.

Wala naman daw silang naging ilangan ni Rhian sa muli nilang pagtatrabaho ngayon.

 Dahil kasama rin nila si Tom sa movie, biniro ng press ang aktor kung may alam ba siya sa tsikang tatay na ang kanyang co-actor at kung humingi ba ito ng tips sa kanya sa pagiging ama.

May balita nga kasing nanganak na ang girlfriend ni Tom sa USA at siya umano ang ama.

Ayon kay JC ay wala raw siyang alam sa tsikang ito dahil wala naman daw nasabi si Tom tungkol dito. “Ang alam ko, mayroon siyang positive energy like every time he asks na ‘how’s your family? How’s your kids?’ May ganu’n siyang energy,” pagre-recall ni JC.

“Ako, as a normal me na nagkukuwento lang ako daily life ko with my kids and my wife. Pero I didn’t know (ang tsikang may anak na si Tom), ngayon ko lang nalaman,” dagdag niya.

“Sorry, mahina ‘yung radar ko sa mga tsismis, eh,” natatawa pa niyang sabi.

JC DE VERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with