Jak, nanghihingi pa ng panahon bago magsalita
Tahimik pa rin hanggang ngayon si Jak Roberto matapos kumpirmahin ni Barbie Forteza ang kanilang breakup nitong Jan. 2.
Marami ang nag-aabang ng statement mula sa aktor pero sa ngayon ay nagparating na lang ito ng mensahe na hindi pa siya ready na magsalita.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda last Friday ay sinabi ng King of Talk na nag-reach out siya kay Jak para sa side nito hinggil sa breakup pero tumanggi raw ang aktor.Tahimik pa rin hanggang ngayon si Jak Roberto matapos kumpirmahin ni Barbie Forteza ang kanilang breakup nitong Jan. 2.
Marami ang nag-aabang ng statement mula sa aktor pero sa ngayon ay nagparating na lang ito ng mensahe na hindi pa siya ready na magsalita.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda last Friday ay sinabi ng King of Talk na nag-reach out siya kay Jak para sa side nito hinggil sa breakup pero tumanggi raw ang aktor.
“We reached out to Jak Roberto pero humiling po siya ng panahon, I mean, some time, bago siya magsalita,” sey ni Kuya Boy.
Pinuri naman ng premyadong TV host si Barbie sa ini-release nitong statement lalo pa nga’t alam niya ang sakit na dulot ng paghihiwalay sa isang magkarelasyon.
“Any goodbye is painful lalo na in this context of a romantic relationship. Seven years is a long time. Masakit ito.
“Pero ang nakakabilib po is pinili ni Barbie to come from a place of love. Pinili ni Barbie in that statement na ‘ang aalalahanin ko ay ‘yung magagandang mga bagay, you know, we shared a lot of things.’
“She’s coming from a place of love. Hindi lang nag-work pero masakit man, but they were 7 wonderful years. ‘I became who I am today because of you, because of that relationship,’” pag-aanalisa ni Kuya Boy.
Ramdam din ni King of Talk ang pain ni Barbie sa sinabi nitong wish niyang makatagpo si Jak ng love na deserve nito.
“Masakit po ‘yun, eh. After seven years, you say, ‘sana, makahanap ka ng magmamahal sa ‘yo.’ She must be in pain, Jak must be in pain and we respect that,” ayon pa kay Kuya Boy.
Aniya pa ay ayaw niyang mag-speculate kung ano ang dahilan ng hiwalayan lalo pa nga’t napakarami nang lumalabas na ispekulasyon sa social media.
“I think, we should be praying na sana’y maging maayos. Kasi, 7 year from now, when we look back, we’ll be able to connect the dots, ‘kaya pala ganu’n,” sey ng TV host.
“Barbie choosing to come from that space of maturity and love ay kahanga-hanga,” papuri ni King of Talk kay Barbie.
Nabasa rin daw niya ang cryptic post ng kapatid ni Barbie at ayaw na raw niyang bigyan pa ng ibang meaning ang mga bagay na hindi natin alam.
“I don’t wanna go into that because I might be putting meaning into some things that we don’t know. Hayaan natin sila mag-heal, but don’t get the statement wrong. It is a painful experience,” pahayag ni Kuya Boy.
Sa huli ay nagbigay ng mensahe ang TV host para kina Jak and Barbie.
“So, Barbie, you take good care of yourself, maraming salamat for sharing with us your statement. And Jak, mag-ingat kayong dalawa, God bless the both of you,” saad ni Kuya Boy.
Barbie at Richard, iniintrigang nagkakalabuan na
Ikinagulat ng marami ang tsikang nagkakamabutihan umano sina Barbie Imperial at John Estrada. Bigla na lang kasing sumulpot ang balitang ito gayung alam naman natin na nali-link ang aktres kay Richard Gutierrez.
Ni hindi pa nga umaamin sina Richard at Barbie, heto’t may iba nang natsitsismis sa aktres.
Ayon sa tsika, tila may something between Barbie and John sa set ng FPJ’s Batang Quiapo at nagkakalabuan na raw ang aktres at si Richard.
Nire-request pa raw umano ni Richard na alisin na itong si John sa BQ.
Pero as per Ogie Diaz’ latest vlog, itinanggi na raw ni Barbie sa kanya ang issue. Sey raw ng aktres sa kanya, “fake news po ‘yan, kuya.”
Sabi pa raw ni Barbie, unang-una ay hindi pa raw sila nagkikita ni John sa set ng BQ. Kumbaga, magkaiba raw ng unit sina Barbie at John sa serye at hindi pa raw nagkakaeksena ang kanilang karakter.
- Latest