^

Pang Movies

Fyang at JM, papasikatin!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Fyang at JM, papasikatin!
Fyang

Ang Pinoy Big Brother: Gen 11 Big Winner, ang Fil-Am na si Fyang Smith is another star in the making along with the the other Big Four winners na sina Rain Celmar, Kolette Madelo at Kai Montinola (na inakala ng marami na siyang tatanghaling Big Winner).

Nung nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya ay marami ang nakapansin na tila si Fyang lamang ang may gusto sa isa pa nilang housemate na si JM Ibarra na ang gusto naman ay si Jas Dudley-Escales. Inakala pa ng marami na magpapatuloy ang ‘romance’ nina JM at Jas paglabas ng PBB house.

Sa paglabas ng grupo, iba ang naging plano sa kanila ng Star Magic na pinamumunuan ni Direk Lauren Dyogi. It seems na sina Fyang at JM ang gagawing loveteam na inaasahang magiging isa sa maiinit na tambalan ng Kapamilya network.

In fairness, bagay sila although magkasalungat ang kanilang supporters laluna na ang fans ni ­Fyang na nasubaybayan ang naging trato sa kanilang idolo ni JM sa loob PBB house.

But knowing Star Magic na kilala sa pagiging mahusay mag-build up ng stars and loveteams, hindi nila titigilan ang bagong team-up ng dalawa hangga’t hindi naaabot ang kanilang kasikatan.

Jose Mari, noon pa plinano ang stage musical

Alam mo, Salve A., isa kami sa natutuwa na maisasakatuparan na ang isang stage musical ng mga pinasikat na awitin ng veteran and award-winning singer-songwriter, hitmaker at successful businessman na si Jose Mari Chan.

Ang Repertory Philippines ang nakaisip ng stage musical na kanilang itinaon sa pagdiriwang ng Kapaskuhan. Pinamagatang Going Home To Christmas: A Jose Mari Chan Musical, ito bale ang kauna-unahang jukebox musical ng theater company. Ito’y mapapanood from Nov. 29 to Dec. 15 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza in Makati City sa ganap na alas-8 ng gabi na may matinee show at 3:30 p.m. on Nov. 29, Dec. 1 and Dec. 7, 2024.

Masayang-masaya siyempre si Jose Mari sa bagong deve­lopment na ito dahil matagal na rin niya itong planong gawin.

Ang magsisiganap sa play ay mga seasoned stage actors tulad nina Carla Guevarra-Laforteza, Carla Martinez, Lorenz Martinez, Noel Rayos, Neomi Gonzales, Floyd Tena, Mayen Bustamante, Neo Rivera at iba pa.

Inaasahang maririnig dito ang classic hit songs ni Jose Mari including his classic Christmas song na Christmas in Our Hearts maging ang iba pa niyang hits tulad ng Afterglow, Refrain, Me Your Name, Beautiful Girl, Please Be Careful with My Heart, Deep In My Heart, Perfect Christmas, A Love to Last A Lifetime, Love at Thirty Thousand Feet, Constant Change, Can We Just Stop and Talk Awhile among others.

Vhong, tsamba lang sa Streetboys

Sa aming eksklusibong panayam sa 11 na na­ging miyembro ng popular `90s male dance group, ang Streetboys for our online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel, inamin ni Vhong Navarro na hindi umano siya kinonsider na maging bahagi sa grupo kundi ang kanyang kaibigan at kasama na nag-audition nung 1993 sa Equinox Disco in Makati na pinamunuan ng award-winning veteran director na si Chito Roño. “Guwapo kasi ‘yun,” natatawang pagbabalik-tanaw ng ex-husband ng actress-entrepreneur na si Biaca Lapus.

Pero si Vhong ang nakatanggap ng callback dahil hindi gaanong magaling sumayaw ang kanyang kaibigan.

Even as a young boy ay magaling na siya noon sa mga Michael Jackson dance moves at magaling pang mag-tumbling, isa sa requirements noon ni Direk Chito.

Although sina Spencer Reyes, Danilo Barrios ang mga naunang pumasok sa pag-aartista, sumunod din sa kanila sina Jhong Hilario at Vhong na naging sikat na actor-comedian.

FYANG SMITH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with