Aktres na tamad mag-promote, tsuging endorser!
Hindi na endorser ng isang skin clinic ang aktres dahil hindi niya masyadong ipino-promote ang establishment na malaki ang kinalaman sa improvement ng beauty niya.
Masyado yatang busy ang aktres sa personal life nito kaya nakakalimutan na niya ang mga responsibilidad bilang celebrity endorser.
In fairness, active sa social media ang aktres pero ang mga lugar na pinupuntahan at hindi ang mga kompanya na nagtitiwala sa kanya bilang product endorser at brand ambassador ang ipino-post niya kaya hindi na kinuha ang kanyang serbisyo.
Young JV pinagkatiwalaan kahit kontrobersyal
Hindi ako nakapunta kahapon sa presscon ng Megasoft para kay Young JV dahil sa lunch date namin ni Papa Ricky Lo, kasama ang mga BFF ko, si Rubby Sy at ang ideal couple na sina Hayden Kho, Jr. at Dra. Vicki Belo.
Hindi tuloy ako nagkaroon ng chance na makilala si Young JV na naging kontrobersyal, a few years back, pero masuwerte dahil pinagkatiwalaan siya na maging celebrity endorser ng isang produkto ng Megasoft.
Ipapadala sa akin ni Rose Garcia ang mga information tungkol kay Young JV at ito ang ibabahagi ko sa inyo sa mga susunod na araw.
Paolo pinupuri-puri sa My 2 Mommies
All praises kay Paolo Ballesteros ang mga umapir sa premiere night ng My 2 Mommies sa SM Megamall Cinema noong Lunes dahil sa bonggang performance niya.
Gay ang role ni Paolo sa bagong pelikula ng Regal Entertainment Inc. at ang sey ng audience, nabigyan niya ng justice ang ginampanan dahil natural na natural ang kanyang acting.
Positive din ang reviews kay Joem Bascon na gumanap na asawa ni Paolo.
But of course, nakaw-eksena si Maricel Soriano dahil hindi pa rin kumukupas ang husay niya sa comedy.
Laugh nang laugh ang mga nanood sa lahat ng mga eksena ng Diamond Star na special participation ang role pero markado at importante sa kuwento ng pelikula.
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang My 2 Mommie.
Ka Tunying ililipat ng puwesto!
Sad ako sa balita na lilipat na sa ibang lugar ang branch ng Ka Tunying’s Cafe sa harap ng GMA 7 along Timog Avenue, Quezon City.
Nag-decide si Anthony Taberna aka Ka Tunying na maghanap ng ibang puwesto dahil hindi tumupad ang building owner sa kasunduan nila.
I am very sure, marami ang malulungkot sa nalalapit na pag-alis ng Ka Tunying’s Cafe sa Timog dahil mami-miss nila ang masasarap na pagkain na very affordable ang mga presyo.
Affected ako sa desisyon ni Ka Tunying dahil sa tuwing may pa-presscon ako, ang restaurant niya ang favorite venue ko dahil accessible para sa mga reporter, lalung-lalo na sa akin.
- Latest