Cholo hahayaan muna si Ryza sa career!
Naging in-demand si Cholo Barretto na kausapin ng mga entertainment press sa grand presscon ng Luck At First Sight dahil naging open siya sa kanyang lovelife, hindi niya itinanggi na six months na ang relationship nila ng Kapuso actress na si Ryza Cenon.
Inamin niyang seryoso na siya kay Ryza at kaya na niyang panindigan ang kontrabida ng Ika-6 na Utos na para sa kanya ay masyadong mabait para magloko siya. Ano ang special qualities ni Ryza na gusto niya?
“Lahat po, lahat,” sagot ni Cholo. “Iyong napapanood nila bilang si Georgia, lahat iyon kabaliktaran ni Ryza. Mahusay siyang aktres, napaka-professional, maalaga siyang girlfriend, napakabuti niyang tao sa lahat. Sobrang bait niya”
Wala pa raw silang balak magpakasal pero darating din daw naman sila roon kaya hinahayaan muna niya si Ryza sa kanyang career dahil ayaw niyang makasira sa career ng girlfriend.
Samantala, thankful si Cholo sa bago siyang project sa Viva Films kung saan nakasama niyang muli si Jericho Rosales at first time naman niyang makasama si Bela Padilla. Mahuhusay na artista raw sina Echo at Bela.
Kasama ni Cholo si Kim Molina na tagapagpatawa rin sa movie na dinidirek ni Dan Villegas. Showing na nationwide ang Luck… sa May 3.
Charo, AiAi, Hasmine, Lotlot, Paolo at Iza gagawaran din sa Guillermo
Narito ang kabuuan ng mga winners ng 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na ia-award sa winners ang kanilang trophy at plaque of recognition sa May 14.
Special Awards:
Bert Marcelo Lifetime Achievement Award – Ogie Alcasid
Global Achievement by a Filipino Artist (Plaque of Recognition)
1) Ang Babaeng Humayo – 11th Asian Film Awards
Nominated: Best Director – Lav Diaz
Best Actress – Charo Santos
Best Screenplay – Lav Diaz
2) Hasmine Killip- Best Performance by an Actress – Pamilya Ordinaryo, 10th Asia
Pacific Screen Awards
3) Lav Diaz – Golden Lion Awardee – Ang Babaeng Humayo, 73rd Venice
International Film Festival. Silver Bear Alfred Baier Prize:
Hele Sa Hiwagang Hapis – 66th Berlin International Film Festival
4) Jaclyn Jose – Best Actress for Ma Rosa – 69th Cannes Film Festival
5) Paolo Ballesteros – Best Actor Die Beautiful 29th Tokyo International Film Festival
6) Iza Calzado – Yakushi Pearl Award for Best Performer – Bliss – 12th Osaka
International Film Festival
7) Ai Ai delas Alas – Best Female Actor – Narrative Feature: 7th Queens World Film
Festival, New York
8) Lotlot de Leon – Sole Acting Citation for Exceptional Performance – 1st Semester,
All Lights India International Film Festival
- Latest