^

Pang Movies

Erich napilitan lang kausapin si Daniel?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Pinagbati na ng Star Magic sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na hindi man nagkabalikan ay naging maayos naman ang pag-uusap.

Kahit may lumabas nang litrato na magkasama ang dalawa na kuha sa NAIA, dahil patungo sila sa California para sa isang show, hindi pa rin naputol ang nakikisawsaw na netizens sa problema ng dating magka-relasyon.

Halata kasing pilit lang ang ngiti ni Erich sa picture at wala na ang dating masaya at in love na aura nito kahit kasama si Daniel.

Pero marami namang natuwa sa pag-uusap nila pero mas marami ang naawa sa aktres dahil wala raw itong choice kundi sumunod sa Star Magic management na siyang nag-utos na pag-usapan ang problema nila. Nagkataon na ang show nila ay three months nang naka-book bago pa ang kanilang break up. Sold out na rin  ang kanilang ticket para sa said show. Magiging kawawa nga naman ang producer kapag nanghingi ng refund ang mga tao na bumili ng ticket.

Sey ng mga netizen, malamang daw ay natalakan ang dating magdyowa ng kanilang mga bossing.

Kaya walang choice sina Erich at Daniel kundi kailangang magmukha silang masaya para ganahan ang mga manonoood ng kanilang tour.

Gusto na lang manahimik ni Erich at nanghihingi ng respeto na huwag i-bash ang pamilya ni Daniel. 

 

vuukle comment

ERICH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with