^

Pang Movies

Enrique umamin na kay Liza

Sheila Crisostomo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na maitago ni Tenten (Enrique Gil) ang kanyang nararamdaman para kay Serena (Liza Soberano) at inaming mahal niya ito sa isang matinding rebelasyon sa Dolce Amore na nag-trend sa Twitter at pumalo sa ratings.

Bukod din sa pag-aming si Serena ang naging dahilan ng paghihiwalayan nila ng ate niyang si Angel (Sue Ramirez), inamin din niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Serena dalawang taon bago siya magkaroon ng amnesia.

“Ikaw pa rin ang mahal ko, Serena. Ikaw pa rin naman talaga, ikaw lagi. Ako ‘to, Serena, ang Timon mo, ang buhay mo. Dalawang taon, Serena. Dati merong tayo, merong ikaw at ako,” bulalas ni Tenten.

May pag-asa pa bang magkaayos ang dalawa, ngayong alam na ni Serena ang masakit na nakaraan niya?

Kasabay ng pag-amin ni Tenten ng kanilang nakaraan ay ang pagsisiwalat din niya ng tunay na dahilan ng kanilang naging paghihiwalay – ang pagkidnap sa kanya ni Binggoy (Kean Cipriano) kapalit ng ransom money para sa pagpapagamot ni Tatay Dodoy (Bobot Mortiz).

Ngunit hindi lang ito ang masakit na katotohanang malalaman ni Serena dahil aaminin sa kanya nina Uge (Andrew E) at Alice (Sunshine Cruz) na itinago rin ang katotohanan sa kanya ng mga mahal sa buhay sa Italya – sina Luciana (Cherie Gil) at ang fiancé na si Giancarlo (Matteo Guidicelli).

Sino na ang pagkakatiwalaan ni Serena ngayong alam na niyang niloko siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya? Ano kaya ang gagawin ni Luciana gayong bistado na siya ni Serena?

Matagal nang inabangan ng mga manonood ang napipintong pag-amin ni Tenten kay Serena, kung kaya’t tinutukan ito ng buong sambayanan. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang naturang episode ng Dolce Amore noong Huwebes (Hunyo 2) ng national TV rating na 36.3%.

Panoorin ang number one kilig series sa bansa na Dolce Amore mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 

STATEMENTS OF CONTRIBUTIONS AND EXPENDITURES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with