^

Pang Movies

Dahil sa anak na mahilig ngumiti, bahay nina Dingdong at Marian laging dagsa ang bisita

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-ienjoy ang mag-asawang Dingdong at Marian Dantes sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Baby Letizia, habang pareho pa silang walang trabaho.

Si Dingdong ang madalas mag-post sa kanyang Instagram (IG) account ng mga pictures ng kanyang mag-ina, like noong New Year doon sila nagpalipas ng araw sa paborito nilang pinu­puntahan na lugar sa Tagaytay.

Madalas din ang bahay nila sa Makati ang nagi­ging venue para magsasama-sama ang buong pamilya nina Dingdong at Marian, at mga kaibigan nila.

Sa naka-post nga na picture ni Dingdong sa kanyang IG noong post-Christmas family reunion nila, kita mong ang laki-laki ng pamilya Dantes at Gonzales.

At noong Sunday, tinawag ito ni Dingdong na #BoodleSunday na inilatag nila sa isang mahabang dining table ang napakaraming iba’t ibang pagkain, wala raw munang diet.

Pero ang laging center ng mga pagtiti­pon nila, ang new baby sa pamilya, si Baby Letizia na lagi raw naka-smile tuwing may lumalapit.

Hindi kaya mahirapan lalong bumalik sa trabaho si Marian? Balita kasing by February, babalik na muli siya sa work. Miss na miss na raw siya ng DongYans, fans nila ni Dingdong.

Simula kasi nang magbuntis si Marian, napapanood lamang siyang mag-guest noon sa mga shows ng GMA 7 at ang comedy-variety show na Sunday PinaSaya na hanggang noong a week bago siya nagsilang kay Baby Letizia, siya pansamantalang umalis, with a promise na kapag pwede na siyang magtrabaho muli ay babalik siya agad.

Si Dingdong naman ay busy pa rin sa work niya as Commissioner-At-Large ng National Youth Commission (NYC).

Wala pa siyang sinasabing bagong project na gagawin sa GMA dahil katatapos lamang niyang mag-host ng reality artista search na Starstruck 6 last December, 2015.

Pwede kayang sa pagbabalik ni Marian sa work, matuloy na ang wish ng mga DongYans na pagtambalin na sila ni Dingdong sa isang drama series?  Ang huli pa nilang pagtatambal ay ang My Beloved, four years ago.

Burol ni Kuya Germs parang laging may concert

Hindi matapus-tapos ang mga pasasalamat kay German “Kuya Germs” Moreno ng mga taong natulungan niya, at hindi rin matapus-tapos ang haba ng pila ng mga nakikiramay sa pamilyang naiwan niya.

Tulad ng gusto ni Kuya Germs na laging masaya, parang laging may concert sa burol niya dahil personal na naghahandog ng mga awitin ang mga dumadalaw sa burol.

Nag-imbita naman si Manay Ichu Maceda ma­mayang gabi para sa isang Sampaguita family reunion na magkakaroon ng Holy Mass, to be officiated by Bishop Soc Villegas.

Sa imbitasyon ni Manay Ichu, sinabi niyang it will be a night of nostalgia and fond remembering of the unforgettable years spent in Sampaguita with Kuya Germs.

Nora nadagdagan na naman ang makakaaway

Every night ay paganda nang paganda ang Little Nanay at parami nang parami ang mga guest performers.

Papasok na ang character ni Christopher de Leon as the attorney ng pamilya nina Gladys Reyes at pumasok na rin ang character ni Renz Fernandez bilang lawyer nina Nora Aunor.  May bago pang papasok na character, si Meryll Soriano at expected nang isa rin siya sa makakaaway ni Annie (Nora Aunor) na very defensive sa apong si Tinay (Kris Bernal).

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABY LETIZIA

BISHOP SOC VILLEGAS

DINGDONG

GLADYS REYES

HOLY MASS

KUYA GERMS

MGA

NORA AUNOR

SI DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with