^

Pang Movies

Korina trinabaho muna ang pakiki- tsika kay Pia bago pinanood si Lea

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sunud-sunod ang post ni Korina Sanchez-Roxas lately ng kanyang tour sa New York City, USA.

Umalis siya pagkatapos ng New Year at hindi bakasyon ang ipinunta niya roon kundi para interbyuhin ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach para sa kanyang show na Rated K.

Post niya, “Pia is smart, witty, kalog and fun. Not difficult at all interviewing her. She has many interesting stories to tell.”

Nag-post siya ng picture nila habang nasa elevator paakyat sa hotel ni Pia sa New York.

“Here we are, mostly Pinoys from ABS-CBN, parang sardinas in an elevator going up to interview Miss Universe Pia Wurtzbach in a hotel in New York, yeeeheeee were all excited!” she wrote.

Ayon pa sa post ng maybahay ni Presidentiable Mar Roxas, tinanong daw niya si Pia kung mabigat ba ang crown, kung totoo bang may mga diamonds, kung kinontak na ba siya ni Pres. Noynoy Aquino at kung friends pa rin ba sila ni Miss Colombia.

Pero siyempre, ang sagot ay abangan daw sa Rated K na ieere na this Sunday.

Sinamantala na rin ni Koring na manoood ng broadway musicals sa New York. Pinanood niya ang Allegiance ni Lea Salonga.

“In New York for work and loving the break...and the cold temp... Watched Lea Salonga’s new musicale, Allegiance. I thought it was good. Compelling, great story.

“ABSCBN invasion of a Broadway backstage care of Lea. How nice of her to be on stage! With Biboy Arboleda, Mariole Alberto, Direk Johnny Manahan, directors Jojo Saguin and Erick Salud and TFC’s Enrique Olives.

“One critic hailed Lea as one of the “top three best voices in Broadway history”. Wow.

“Outside right after the show,” post pa ni Korina.

Lovi at Ronian Poe nag-reunion

Magkaibang mundo man ang kanilang ginagalawan, paminsan-minsan ay nagkikita pa rin pala ang mga anak ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Kamakailan ay nag-post si Lovi at Ronian Poe sa kani-kanilang Instagram account ng kanilang larawan na magkasama sa sikat na bar na pinagtatrabahuan ng huli.

Isa nang matagumpay na DJ at tattoo artist si Ronian na anak ni FPJ sa dating aktres na si Anna Marin. Si Lovi naman na gumagawa rin ng sariling pangalan sa showbiz ay anak ni Da King sa dating aktres na si Rowena Moran.

Ang tumatakbo sa pagka-pangulo naman na si Sen. Grace Poe ay inampon ni Da King at misis na si respected actress Ms. Susan Roces.

“Because its Christmas and he’s my bro!!!,” ang naging caption ni Lovi sa picture nila ng kapatid.

“With my beautiful sis,” naman ang nilagay ni Ronian sa picture na ipinost niya sa Instagram.

Kahit magkakahiwalay, suportado naman nila Grace, Lovi at Ronian ang isa’t isa.

ACIRC

ANG

ANNA MARIN

DA KING

DIREK JOHNNY MANAHAN

ENRIQUE OLIVES

LOVI

NEW YORK

RATED K

RONIAN

RONIAN POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with