^

Pang Movies

Ayaw tumanggap ng regalo Ivana, sobra-sobra na raw ang yaman

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — May point naman ang followers ni Ivana Alawi na hindi na niya kailangan pang may magregalo para sabihing rich girl siya.

Ito ang sagot ng followers niya sa pang-iintriga ng iba na may nagreregalo kasi sa kanya kaya siya madatung.

Pagdidiin pa ng ilang followers ng Kapamil­ya actress, on record na isa ang kanilang idolo sa top YouTubers ng bansa na diumano’y kumikita ng milyun-milyon sa isang buwan.

Dagdag pa nila, siya na ang number 4 top YouTube channels in the Philippines na may 18.5 million subscribers.

Pwede na nga raw siyang kumandidatong senador sa rami ng followers na hindi kailangang magkaroon ng financier.

Hahaha.

Well, may point sila. Kasi halos magkadikit lang sila ng number of followers sa iba’t ibang social media platforms ni Sen. Raffy Tulfo.

Kaya naman talagang busy kahapon ang kanyang followers sa pagpapaalala na sa isang vlog noong 2023, nabanggit na raw ni Ivana na kumikita siya ng isang milyon sa isang araw.

Pero 2023 pa ‘yun. Anong petsa na ba ngayon?

At sinabi pa niya pa that time na hindi siya sumali sa YouTube para kumita at aniya ay nagbabayad siya ng tax.  “Pero guys, nagbabayad ako ng tax, ‘di ko lang gusto i-disclose kasi baka sabihin [ng iba] ‘Ay, nagyayabang.’ Hindi, pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong, ayan.”

Kung sabagay, nauna na ring ibinunyag ng Kapamilya actress na kumita siya ng mahigit P10 milyon sa loob lamang ng ilang oras ng live selling at nag-viral nga naman ‘yun.

Sa isang panayam din sa media kamakailan sa TikTok Summit, sinabi niyang halos dalawang taon na siya sa live selling.

“I’ve been doing livestreams for more than a year. Siguro two years. I’m not sure pero mga ganun,” sabi niya.

Say pa ni Ivana na dapat ay kumita pa sila ng higit pa sa “eight digits” kaso naubusan lang sila ng stock.

Bongga na hindi raw sila nauubusan ng buyers pero nauubusan sila ng stock.

Hahaha.

Pinaalala pa ng kanyang followers na sinabi ng actress na ‘yung revenue niya sa TikTok, ‘yun ang para sa kanyang pamilya kaya raw sila nagsi-share at ‘yung pag-aartista naman at sa YouTube, nilalagay niya raw sa properties.

Ahh sana all, ganun kalaki ang kita noh.

Ngayong 2025 kaya, magkano na ang kita ni Ivana?

May punto naman ang ibang netizens na kailangan pa ba niyang maghintay ng regalo tulad sa pinalalabas ng ibang nag-iintriga sa kanya?

Anyway, maaalalang last November ay ibahagi niyang siya ay isinugod sa ospital at nagkaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS), na naging kumplikado, at idinagdag na siya ay nagpapasalamat sa kanyang “ pangalawang buhay.”

“Ipapakita ko sa inyo ang isa sa pinakamahirap na journey sa buhay ko. Feeling ko nagpaalam pa nga ako sa mama ko. Feeling ko talaga it’s really my second life. I-share ko lang din sa inyo na meron akong problem sa ovaries and that’s how it started and I also have PCOS doon siya nagsimula,” aniya pa sa isang vlog.

Sabagay wala kasing masyadong kontrobersya sa kasalukuyan kaya naman pilit siyang iniisyuhan.

Angelica, nagpasalamat sa 2024 kahit nahirapang lumaban

Handang bumangon ‘dishyir’ si Angelica Panganiban na sabi nga niya ay sinubok siya ng nagdaang taon.

Nag-umpisa sa pagpapakasal nila ng mister na si Gregg Homan ngunit pumanaw ang kanyang ina at naoperahan siya.

Pero magpapasalamat pa rin siya sa nakaraang taon.

“How I want to remember the year that was. Nagsimula sa napakaligaya. Umabot sa pinaka masakit. Paulit ulit ang dasal ko na patuloy kong maintindihan at matanggap ang lahat ng nangyari.

“Alam ko, oras lang ang makakapag sabi bago gumaan ang nararamdaman ko. Sabi nila, hindi matatapos ang grie­ving. Dahan dahan lang mababawasan ang bigat. Gusto kong lingunin ang 2024 na puno pa rin ng pasasalamat. Maraming dasal ang natupad. Kaibigan na hindi napagod maging kaibigan sa kabila ng pagkakaron ko ng mabigat at madilim na ulap. Lalo na sa asawa ko.

“Paniguradong hindi ito ang unang taon na na imagine niya. Ni hindi kami nakapag honeymoon kaya sa 2025, bagong taon, bagong pagkakataon. Hindi para makalimot. Taon ito para ipakita kung paano ako pinatibay ng nakaraang taon.

“Wala naman akong plano sumali sa recap. Pero naisip ko lang, ako pa ba ang magdadamot ng recap samantalang isa ako sa sinubok ng 2024. Gusto ko lang maging inspirasyon para sa bagong taon. Para sa lahat ng dinaot last year, sabay sabay tayong bumangon dishyir.”

At nagpasalamat ang followers niya na nagbigay siya ng recap kasabay ng kanilang dasal at encouraging messages para sa actress.

May anak na sila ng mister, si Amila.

IVANA ALAWI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with