^

Pang Movies

Kylie, may ‘suntok’ sa sending to ex…

Dianne Canlas - Pang-masa
Kylie, may ‘suntok’ sa sending to ex…
Aljur at AJ

MANILA, Philippines — May patutsada nga ba ulit ang aktres na si Kylie Padilla sa ex-husband niyang si Aljur Abrenica?

Nag-post ito ng TikTok video kung saan nakiuso siya sa “Sending to ex” trend.

Sa simula ng video ay tila nagpapaganda at nang-aakit siya hanggang sa dulo ay manununtok siya na parang gustong suntukin ang ex.

Sa caption niya ay sinabing “Sending to ex…” pero pabiro niya rin itong binawi at sinabing “LOL kidding. Happy new year guys.”

Naaliw nga ang mga netizen sa pinost ng anak ni Sen. Robin Padilla.

Tingin nga nila ay para raw ito sa ex niyang si Aljur na tatay ng mga anak nilang sina Axl at Alas.

Nagkaroon ng ispekulasyon ang ibang mga netizen na baka raw hindi nagsusustento ang aktor na kasalukuyan nang karelasyon ng sexy star na si AJ Raval.

Sey naman ng iba ay mukhang hindi pa rin daw nakaka-move on si Kylie sa ex niya.

Sinagot ni Kylie ang netizen na nagsabing “hindi na naka move on” kung saan may dumepensa sa kanya at sinabing trend lang naman iyon na sinang-ayunan ni Kylie at sinabing “Truth.”

Pero napaisip naman ang ibang mga netizen na baka naman daw hindi iyon para kay Aljur kundi para sa karelasyon niyang diumano’y tattoo artist?

Baka raw hiwalay na sila at iyon ang tinutukoy nitong ex.

Samantala, may mga nakapansin naman na ni-repost ito ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval.

Nang i-stalk nila iyon ay marami pa palang post si Kylie na kanyang nire-repost. Kaya napaisip ang mga netizen na baka raw hindi magkasundo ang magkapatid.

Maaalalang sinabi noon ni AJ na hindi sila close ng kapatid at huwag silang idamay sa kontrobersiya nito nang masangkot ito sa intriga tungkol sa isang “sikat na panget na lalaking rapper.”

Hinihintay naman ng mga netizen kung sasagot si AJ sa post ni Kylie bilang depensa sa boyfriend niya ngayong si Aljur.

ALJUR ABRENICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with