^

Pang Movies

Lalayas sa TV5 Ritz Azul pipirma ng kontrata sa Kapamilya?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Mapapanood na nga ba si KC Concepcion sa series na Ang Panday, bilang leading lady ni Richard Gutierrez?

Bagama’t madalas napapanood natin si KC sa mga projects ng ABS-CBN, actually ang namamahala sa kanya ay ang Viva Artist Center. So tuloy ba?

Richard, we will know, too, of course, ay dating exclusive talent ng GMA 7, tulad ni Sarah Lahbati, mother ng kanyang two year-old son na si Zion.

Si Sarah naman ay madalas ng mapapanood ngayon sa mga show ng Kapamilya. Kabilang siya sa cast ng upcoming series ng ABS-CBN, Written in our Stars, na pangungunahan din nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Jolina Magdangal at Sam Milby.

Did we hear it right na si Ritz Azul, exclusive talent dati ng TV5, ay may offer to sign a contract with ABS-CBN?

Sa totoo lang, we consider, Salve A., Ritz a star material.

Paul pangarap makapagluto

Bagama’t showbiz ang prio­rity sa kasalukuyan ni Paul Salas, lalo pa nga at well-followed ang kasalukuyang series niyang You’re My Home, with Ri­chard Gomez, Dawn Zulueta, Jessy Mendiola, JC de Vera, Sam Comcepcion, Tonton Gutierrez and Jobelle Salvador, among others hindi rin niya isinasantabi ang mangarap ng things out of the entertainment scene, lalo pa nga at graduating na siya ng high school.

Pangarap niyang mag-college at kumuha ng kursong culinary arts nang makapagpatayo raw siya ng restaurant, maliban sa café shop, na mayroon na sila ng kanyang pamilya.

Mga kapatid ni Maine lahat may N

Guess what’s Maine Mendoza of the AlDub duo real first name?

Nicomaine Dei, that’s what.

Lahat silang magkakapatid ay nag-uumpisa sa letrang N ang pangalan. Nicoleen Dyann, Nicolas Dyan and Nicodeim Dean.

Ang tunay na pangalan naman ni Alden Ri­chard ay Richard Faulkerson, Jr.

Junior siya ng kanyang Dad, who is Ri­chard Faulkerson, Sr.

Maxene ‘nakikitira’ na lang muna sa kapatid

Kasalukuyan daw nire-renovate ang condo unit ni Maxene Magalona kaya sa unit muna siya ng nakababatang kapatid na si Elmo Magalona nakatira.

Tulad ni Maxene, isang Kapamilya na rin si Elmo, na bibida with Janella Salvador in Born for You, which Dreamscape Television Entertainment, headed by Deo Edrinal, ang producer.

Nasa cast naman ng ongoing series na Doble Kara si Maxene, co-starring her with Carmina Villaroel, Allen Dizon, Ariel Rivera, Mylene Dizon, John “Sweet” Lapuz, Edgar Allan Guzman, Alicia Alonzo, Gloria Sevilla and Julia Montes, who plays dual role, Sara and Kara.

Nga pala, boyfriend sa kasalukuyan ni Maxene si Robby Mananquil na anak ng Lifestyle editor ng Philippine Star na si Millet Mananquil.

Lipatan ng istasyon, pinauuso na naman

Obvious na uso ngayon ang ‘lipatan” ng channels among several stars. Confirmed naman na isa nang Kapamilya si Elmo Magalona na dati’y isang exclusive na Kapuso.

Si Renz Fernandez  naman na gumagawa dati ng projects for ABS-CBN ay balitang pumirma na ng kontrata sa GMA 7. His first project with the Network is reportedly a series, na pagtatambalan nila ng kanyang reported current apple of the eye, si Kris Bernal.

Come to think of it. Guess what Elmo and Renz have in common?

Parehong celebrities ang kanilang parents

Anak si Elmo ng dating King of Rap and TV host na si Francis Magalona.

Grandparents nga pala niya ang love team of the 50’s na sina Pancho Magalona at Tita Duran.

Of Renz naman, father niya ang late action star na si Rudy Fernandez. Of course, we all know that Renz’ mom is actress Lorna Tolentino.

ACIRC

ALDEN RI

ALICIA ALONZO

ALLEN DIZON

ANG

ANG PANDAY

ARIEL RIVERA

ELMO MAGALONA

KAPAMILYA

MAXENE

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with