^

Pang Movies

Pagkapanalong Best Supporting Actress ni Maine, kinukuwestiyon!

Jun Nardo - Pang-masa

Non-stop pa rin ang isyu’t kontrobersiya sa on-going Metro Manila Film Festival (MMFF). Latest ‘yung resulta ng winners sa Gabi ng Parangal nu’ng Sunday sa Kia Theater.

Back-to-back ang pagiging Best Actress ni Jennlyn Mercado na nanalo sa #WalangForever na winner din last year sa English Only, Please habang ang kaparehang si Jericho Rosales ang Best Actor.

Walang kuwestiyon sa panalo ni Tirso Cruz III bilang Best Supporting Actor for Honor Thy Father pero marami ang tumaas ang kilay nang si Maine Mendoza ang tanghaling Best Suppor­ting actress para sa unang movie niyang My Bebe Love. Bago pa man i-bash, nag-tweet na si Maine ng, “Bakit ako? Maraming-maraming salamat!” or something like that.

Winner ng Best Director si Erik Matti kahit disqualified sa Best Picture ang HTF. Ipinabasa ng direktor sa representative niya ang mga maanghang niyang mensahe.

Ang entries ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso na #WalangForever ang Best Picture at tumanggap din ng FPJ Excellence Award. Ang isa pa niyang entry na Buy Now, Die Later ang hinirang na Second Best Picture, at Third Best Picture ang My Bebe Love.

Hindi rin nakaligtas sa mga banat si Atty. Joji sa mga award na nakuha ng dalawa niyang entries pati lead stars. Tugon niya sa text sa amin, “Grabe ang mga banat sa akin. Parang ako may ari ng MMFF.”

Siyempre, kung nasa ibabang puwesto ng top grossers ang WF at BNDL, dahil sa panalo nito, malaki ang tsansang umakyat ang puwesto nito sa mga susunod na araw, huh!

Inisnab kasi ng bagong chairman kongresista pinaiimbestigahan ang ginawang diskwalipikasyon sa Honor...

After ng Gabi ng Parangal nu’ng Linggo, sumugod agad sa Kongreso si Congressman Dan Fernandez upang i-file ang House Resolution No. 2581 upang mag-conduct ng inquiry in aid of legislation ang Committee on Metro Manila Development tungkol sa disqualification ng Honor Thy Father sa Best Picture category ngayong 2015 Metro Manila Film Festival.

Present sa presscon na isinagawa after ma-file ni Cong. Fernandez sa kaukulang committee ang resolution sina Dondon Monteverde, producer ng movie, at legal counsel niyang si Atty. Agnes Maranan.

Nagawang magsampa ng resolution si Cong. Dan upang hindi na maulit ang injustice na nangyari sa producers ng HTF. Eh, naranasan din kasi niyang hindi matugunan ni MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos kaya naman in behalf ng producers ng HTF ay isinumite niya ang resolusyon.

“Nagkausap kasi kami ni Chairman Carlos nu’ng December 25. Then, next day, nang makumpirma ko kay Dondon na disqualified na ang movie, hindi na ako sinasagot ni Chairman Emerson sa tawag o text ko na humihingi ng dahilan. Doon na ako nag-isip na maybe, there is something wrong. Maybe, problema talaga.

“Kung ako, isang hamak na congressman, nagtatanong sa isang Chairman ng MMDA, inisnab ako, what more our small producers. Our filmmakers. Those people who cannot ask them, ‘di ba? ‘Yun lang ang naging reason ko behind why I filed this resolution,” pahayag ni Cong. Dan.

Sa panig naman ni Dondon, “First of all, gusto kong magpasalamat kay Cong. Dan Fer­nandez. Siyempre kahit paano, binigyan niya ng pansin ang industriya natin na alam nating ga­ling siya rito at dito siya lumaki sa pelikula.

“Again, nagpapasalamat ako kay Cong. Fernandez at binigyan niya tayo ng pansin,” saad ni Dondon.

Sa panig naman ni Atty. Maranan, wini-weigh pa nila ang lahat ng options sa mga taong concerned na nagdesisyon sa disqualification ng HTF. Nandoon ‘yung kaso ng paghingi ng damages at pagsampa ng graft and corruption kapag nakalap na nila ang mga ebidensiya na magpapatibay ng kanilang ipinaglalaban!

ACIRC

AGNES MARANAN

AKO

ANG

BEST

BEST ACTOR

BEST PICTURE

DONDON

HONOR THY FATHER

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY BEBE LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with